Chapter 1 - Start

23 0 0
                                    

Chapter 1

.

.

.

- - - - - Start - - - - -

.

.

.

.

Hindi na bago sa pamilya Sanchez ang pagkakaroon ng problema sa pera. Wala na kasing ibang sumusuporta sa pangangailangan ng pamilya kundi ang panganay na anak na si Dominique. Ang pangalawa at bunso namang si Daniel ay scholar sa kolehiyo at nag-aaral ng kursong Computer Science.

.

.

.

.

Dating may-kaya ang pamilya Sanchez. Lisensyadong engineer ang ama na si Jaime at madaming kontrata siyang nagagawa. Masayang-masaya ang kanilang pamilya lalo na't meron silang ina na maalaga at mahal na mahal sila. Ngunit nang magkasakit at maospital ang asawa ni Jaime na si Elena, doon nagsimula ang paghihirap ng pamilya.

.

.

.

.

Nang tumagal ng tumagal si Elena sa ospital at sa sunod-sunod nitong operasyon, nagkabaon-baon sila sa utang. Lahat ng naipundar na kotse, gamit sa bahay at ibang ari-arian ay naibenta na ngunit sa huli namatay din si Elena.

.

.

.

.

Matagal ding nalugmok sa kalungkutan si Jaime at dahil dun napabayaan na niya ang kanyang trabaho at tumumal na ang pagdating ng mga kontrata sa kanya hanggang sa nawalan na siya ng kontrata sa mga kumpanyang pinagtra-trabahuhan niya.

.

.

.

.

Ngunit binigyan siya ng isa pang pagkakataon ng dati niyang kaibigan na may-ari ng maliit na construction company na magtayo ng mall. Laking tuwa ni Jaime at nakakita na siya ng panibagong pag-asa.

.

.

.

.

Ngunit isang aksidente ang di inaasahan ng pamilya. Sa construction site na pinagtratrabahuhan nito, bumagsak ang improvised elevator na sinasakyan ni Jaime at nalaglag siya kasama nito mula sa ikalimang palapag. Nagsampa ng kaso si Dominique na noo'y 19 taong gulang palang, sa tulong ng abogado mula sa Public Attorneys Office.

.

.

.

.

Nakipag-areglo nalang ang kumpanya at inakong kinulang sila sa safety precautions pagdating sa construction site. Nangako rin silang babayaran ang lahat ng bayarin sa ospital kapalit ng pag-urong ni Dominique sa kaso. Pumayag nga si Dominique.

.

.

.

.

Makalipas ang ilang araw, sinabi ng duktor na naparalisa ang pang-ibabang bahagi ng katawan ni Jaime at dahil dito wala nang susuporta sa pamilya kaya napag-desisyunan nalang ni Dominique na tumigil sa pag-aaral at magtrabaho nalang.

In Debt To A Gangster (I.D.T.A.G)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon