Sa gitna ng initan madalas mo makikita ang isang lalaking paikot ikot sa lansangan ng Recto. may dalang sako na laman ay mga bagay na itinapon ng iba ngunit para sa kanya ay isang biyaya. hindi sya katulad ng ibang basurero kung ikukupara medyo malinis sya sa kanila, hindi sya nakapaa dahil may suot syang tseneles na pudpud ang swelas. sya si Dennis Dela Cruz. 18years old may taas na 5'6 kayumanggi, ngunit kung titigan ay may kakisigan naman ang kanyang personalidad. ulilang lubos, bata palang sya ay inabando na sya ng kanyang ina at ang kanya namang ama ay namatay nung 8 taon palang sya.
tandang tanda pa nya ang araw na iyon kung saan magkasma sila ng kanyang ama na nangangalkal ng basura sa labas ng isang restaurant nag babakasakali na meron pagkain na pwede pang initin upang mai panlaman sa kanilang sikmura. nang mangyare nga ang isang bagay na hindi inaasahan, isang kulay itim na montero ang nawalan ng preno at sumalpok sa lugar kung saan sila nangangalakal. kritikal si Dennis ngunit maswerteng nabuhay, ngunit ang kanyang ama ay on the spot na deneklarang patay. gastos naman ng naka disgrasya sa kanila ang lahat ng bayarin pati na ang pag papalibing sa kanyang ama ngunit pagtapos nun ay hindi na nya nakita pa ang lalakeng kumitil sa buhay ng kanyang ama at muntikang umagaw sa kanyang buhay.
araw araw ay nilalakad ni dennis ang recto mula Divisoria Pupuntang Quipo paikot sa sta, Cruz at pabalik sa divisoria kung saan ay namamahinga sya kung gabi na. sa isang bangketa ang kanyang tahanan. napaka hirap ng buhay ni Ramon ngunit kahit ganun ay patuloy syang lumalaban para sa kanyang pangarap. sya yung taong naniniwala na kung hirap ang nararanas ng isang individual sa kasalukuyan basta magpatuloy at panatilihing matatag ang isip sa anu pa mang pagkakataon sa huli makakamit din ang inaasam asam na tagumpay.
sa kabila ng pagiging palaboy ni Ramon ay pinipilit nyang matuto pumapasok sya sa isang non formal education dalawang oras ang aralin at libre pa ang meryenda. doon natutunan nya mga bagay na hindi nya kaylan man matutunan sa lansangan.
YOU ARE READING
FOCUS "the journey of a homeless man"
AdventurePagsubok, Problema at mabibigat na pananagutan. tanging kakampi ay ang pangarap na nagbibigay dahilan upang mag patuloy sa aking paglalakbay na kung tawagin natin ay buhay. pano ka magkakaroon kung wala ka?, pano mo maaabot kung nasa ibaba ka? at pa...