This is the second part of Simpleng Asaran since karamihan sa inyo ay nagrequest ng part two kaya ito na ang hinihiling niyong tinupad ko.Choss!
Simpleng Asaran PART TWO
Pinasalubongan ako kanina ni Jerome ng librong pangdamoves ko daw kay Amber na ibinili niya pa sa bangketa effective daw dahil made from Batangas para naman daw makabawi ako sa pangaasar ko sa kanya.
Title pa nga lang ng libro eh kalokohan na.
"Labidabi Damoves"
Pero,why not diba? Hindi naman masamang magtry?
Malay mo dahil sa librong ito baka tuluyan na nga siyang mainlababo sa akin tsaka sabi ni Peter kung hindi daw madaan sa asaran.
Daanin mo sa pakindat-kindat at pacheesy.
Nakakabakla! Pero kung para lang naman sa mahal ko eh,gagawin ko.P*ta! Ang baklang pakinggan!
"Unggoy ka ba?"
"Tantanan mo na nga ako! Himala nga at nabuhay ka pa matapos kitang suntukin!"
Hindi ko pinansin ang mga kadramahan niya.Mas lalo lang ako naiinlove sa kanya,lalo na pag naaasar na siya. "Kasi sumasabit ka sa puso ko."
"Tse! Pahinga ka na nga." Pangtataboy niya sa akin pero hindi ko siya tinantanan at sinundan pa siya sa paglalakad.
"Bakit?" tanong ko.
Bibigay na 'to.
"Anong bakit?! Akala mo nakikipagsabayan ako sa trip mo?! Magpahinga ka na baka madagdagan pa yang tigyawat mo!" Nakakaasar 'tong babae ah! Alam ba niyang siya ang dahilan ng pagtubo ng tigyawat na ito?!
I stayed up all night para lang makita ang mga pictures niya sa facebook na puro lang stolen at walang kakwenta-kwenta dahil hindi ko man lang makita ng buo yang maganda niyang mukha.Inabot pa nga ako ng 24 hours para mahanap ang anggulo niyang medyo nakikita ang mukha eh.
"Alam mo,para kang pimples,kasi.. Ilang beses na kitang tinatanggal, bumabalik ka parin." Alam ko namang kaonti lang ang tsansang makapasok ako sa buhay niya kaya may mga oras na sapilitang pinapaalis ko siya sa isipan ko pero wala eh,bumabalik parin eh.
Matapos ng aksidenteng iyon o aksidente nga ba iyon ay hindi ko na inaasar pa si Amber.Natakot kasi ako na baka hindi lang sapak ang makukuha ko galing sa kanya baka mapano pa 'tong gwapong mukha ko't mapareho pa kay Lance Raymundo.Sayang wala na akong maipangdidistribute pa na kagwapuhan sa mga angkan ko kung ganun.
Pero ay dahil sa sinabi ni Peter nabigyan ako ng lakas na loob na lapitan ulit si Amber,daladala ang mga natutunan ko sa librong "Labidabi Damoves"
Korni ang nakapaloob nito pero halata namang cheesy.
"Alam mo para kang bubuyog,kahit anong iwas ko,sunod ka parin ng sunod.Ano bang problema mo?!" Napaatras ako dahil sa sigaw niya sa akin.Bigla akong nakaramdam ng kirot dahil alam ko nang ito na ang katapusan ko.Mababasted na nga ata ako ng tuluyan.
"Ikaw." simpleng sagit ko sa tanong niya.
"Ako?" turo niya sa sarili. "Wala akong ginagawa sa'yo Nathan! Ikaw mismo ang gumagawa ng sarili mong problema.Tingnan mo ang nangyari sa mukha mo,ikaw ang nagsimula niyan kaya kita nasuntok!"
"Bakit Amber? Di mo ba nakikita ang mga mabubuti kong nagawa para sa'yo.Ako ang tumulong sa'yo noong natagusan ka! Ako ang bumili ng napkin para sa'yo! Ako ang tumulong sa assignment mo noong nahihirapan ka! Ako ang nagdala sa'yo sa clinic noong sumakit yang ulo mo! Ako ang naghatid sa'yo noong umuulan! Bakit Amber? Hindi mo ba yun napansin?" Aish! Ayoko pa naman sa mga kadramahan! Nakita kong nagbabadya nang tumulo ang mga namumuong luha sa mga mata ni Amber.Akala ko ba siya yung taong walang emosyon,yung taong walang pakialam sa mundo pero ano 'tong nakikita ko?
Ba't siya lumuluha?
"How can I notice that if everyday inaasar mo nalang ako palagi?!" Bigla akong natahimik sa sagot niya.Ilang minuto kaming hindi nagiimikan.
"Because in that way,I know you can notice me." Inis niyang sinabunutan ang kanyang sarili.
"Nathan Sky,tomboy ako! Kita mo naman sa pananamit ko diba?! Tsaka nandidiri kayo sa mga katulad namin kaya tantanan mo na ako."
Tama nga mga sabi-sabi nila.Tomboy siya.
Kinuha na niya ang inorder niyang pagkain sa cafeteria at umupo sa paborito niyang pwesto.Tahimik ko siyang sinundan at umupo na din sa tabi niya.
Naalala ko tuloy yung huling pangaasar ko sa kanya.
"Hi Amber payatot! Pwede maki-upo?" sabi ko na nakangiti ng nakakaloko.
Tumingin lang siya sa'kin at binaliwala ako.Parang hindi niya ako nakikita at bumalik nalang sa kanyang pagkain.
"Well,Silence means Yes." sabi ko at umupo na ako sa table niya.Nakita ko naman siyang umisod sa dead end ng upuan at nagmamadaling kumain.
"Mabulunan ka sana." matawatawang sabi ko sabay tingin sa'kanya ng nakakaloko.
"Kung ayaw mong masapak,umalis ka na dito." Walang buhay niyang sabi na hindi nakatingin sa'kin.
Lihim akong napangiti ng maalala ko ang mga iyon.Tiningnan ko si Amber na nakaupo lang sa tabi ko at tahimik na kumakain.
"Hi Amber payatot." mahinang sabi pero sapat lang na marinig niya.Napatigil siya sa pagkain at dahan-dahang binaba ang hawak-hawak niyang kutsara at tiningnan ako.
"Please." mahina pero madiin na agad tumagos sa kaluluwa ko.
After all these years,pinili kong magpakatorpe pero ngayon at huli na,saktong nabigyan ako ng lakas ng loob na harapin siya at sabihin ang lahat.Bakit ngayon pa'y huli na?
Umisod siya sa pagkakaupo at alam ko na ang mangyayari kaya hinawakan ko na agad siya sa bewang niya at tiningnan siya sa mga mata habang sinasabi ang lahat na walang biro. "Tomboy or not,minahal at mahal kita Amber.Gagawin ko ang lahat makuha ko lang ang loob mo."
Nagsimula sa simpleng asaran at biruan, nagka-developan, hanggang sa naging magkasintahan.
Ito na nga ba ang pagtatapos?
"Prove it." tanging sambit niya matapos kong sabihin iyon.
__SimplengAsaran2___
As you can see,may part 3 pa.Hintay lang.Mwahaha.Mahal ko kayo eh. :*
BINABASA MO ANG
Simpleng Asaran 2
Teen FictionNagsimula sa simpleng asaran at biruan, nagka-developan, hanggang sa naging magkasintahan. Ito na nga ba ang pagtatapos?