One

88 4 0
                                    

Eina's POV

"Uyyy ikaw ha! Lumalablayp ka na!" Sabi sakin ng best friend ko.

"Paano ako magkakaroon ng love life eh hindi mo naman ako gusto." Mahinang bulong ko.

"May sinasabi ka?" Tanong niya.

"Sabi ko wala akong love life!" Sigaw ko sa kanya pero tumawa lang siya ng tumawa.

"Sige na nga. Parang iiyak ka na eh?" Nang aasar na tanong niya. Binatukan ko siya at gagantihan niya sana ako nang biglang nag-ring ang phone niya.

"Hello, babe?" Nakangiting tanong niya. Halatang kinikilig. Napatingala naman ako sa mga ulap dahil umuulan ngayon.

'Nakikiramay sakin ngayon ang ulan. Salamat.'

Naalala ko na naman kung ano ang mga naganap kanina...

Nakatayo at may hawak na bouquet of flowers at malaking teddy bear ngayon si Wane. Parang gusto kong umiyak pero hindi sapat na rason ang tears of joy para sa mga luha ko.

"My darkest day has lightened up because you are the star of my world." Sabi niya habang nakangiti.

"Can you be mine?" Nakangiting tanong niya. Mapupunit na ang mukha niya sa sobrang pagkangiti at sumisingkit na ang mga mata niya.

"Yes! Yes! Oh my God!"

"I love you." Nakangiting sabi niya at yumakap.

"I love you too Wane."

Hindi ako ang babaeng iyon. Yun ang bestfriend ko. Sa oras na yun ay gusto kong tumakbo pero hindi ko magawa dahil baka madapa ako dahil nanghihina na ang mga tuhod ko.

Ang sakit makita ng harap-harapan na ang mahal mo ay may mahal na iba.

Bestfriend ko si Wane na kausap ang girlfriend niyang si Amy na bestfriend ko rin na kanina niya lang sinagot.

'So I am the third wheel.'

"Sige... Pupunta na ako diyan para sunduin ka... Okay... I love you... sige bye na Babe." Sagot niya sa telepono. Napapatulala na lang ako dahil ang sakit sakit talaga ngayon ng puso ko. Kumikirot, at parang may tumutusok.

"Uy, una na ako ha? Susunduin ko pa kasi si Amy." Nakangiting sabi niya na para bang gustung-gusto niya nang makita ang girlfriend niya.

"Hmm. Sige." Sagot ko at pilit na ngumiti. Ngumiti siya sa akin at saka tumalikod pero bigla ulit siyang lumingon.

"Thank you best friend kong panget!" Sigaw niya. Napangiti naman ako.

"Wala yun." Nakangiting sabi ko at sinuklian niya naman iyon ng ngiti saka nag-salute. Tumalikod na siya at habang siya ay naglalakad ay sumasayaw pa siya. Natawa naman ako. Buti na lang walang tao dito sa may garden, kung meron man eh magmumukha siyang tanga.

Masaya talaga siya.

Nang makaalis na siya ay unti-unting bumagsak ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Ang pagtulo ng luha ko ay sumasabay sa pagpatak ng malakas na ulan. Tila ba bagyo pero alam kong iyon lang ang aking nararamdaman.

Napakahirap isipin na ako pa ang naging tulay nila pero dahil sa katangahan ko, naging isa sila. Ako ang tumulong kay Wane para sa surprise niya kay Amy. Ako lagi ang nagbibigay ng mga pagkain na pinapabigay ni Wane para kay Amy nung nililigawan pa lang siya ni Wane.

Noong mga bata pa lang kami ay magkakaibigan na kami. Ang mga magulang namin ay magkakaibigan rin. Di rin nag tagal ay nahulog ako kay Wane pero noong malaman kong mahal niya si Amy ay pinilit kong itago ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 13, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Third Wheel (One-Shot)Where stories live. Discover now