Dear Diary,
Hi diary!!! Ako si Catherine. Hindi ako katulad ng ibang babae na maganda hehe aminado naman ako pero minsan niloloko ko ang sarili ko haha "Catherine maganda ka!" ako yung tipo ng babae na hindi gugustuhin ng isang lalaki diary. Pero diary malandi ako.
Diary feb 14 na bukaaaaas hihi. Alam mo diary ngayong year na to naisip ko na ang valentines ay hindi lang pangjowa mas maganda siya icelebrate pag kasama ang pamilya at friends. Syempre bilang wala akong "boyfriend" support ko na lang yung may mga jowa kahit na kating kati na yung kamay ko na bigyan sila ng isang malupet na middle finger hahaha.
Pero diary ang totoo malungkot ako. Pinapakita ko lang yung saya ko para hindi ako magmukhang mahina. Diary alam mo ba nafefeel ko na walang nagmamahal sakin kahit meron naman? araw araw ganan nararamdaman kaya eto humantong ako sa ganto haha sa pagdadiary. Nafefeel ko yung pag-iisa kahit hindi naman ako nag-iisa. Bakit kaya ganun diary? yung parang hindi ka masaya sa buhay mo. Help me naman mga frendzzzz.
btw wala akong lovelife. Bigyan mo me diary.
May mga booth booth sa school namin bukas diaryyyy at isa ang club namin sa mga nagtayo ng booth yun nga lang pinagkabusyhan ko kanina diary eh bukod sa pag-iisip sakanya HAHAHAHHAHA sabi ko sayo diary malandi ako eeeeeeh. Pasensya tao lang. Katulad lang naman ako ng ibang babae na kinikilig at lumalandi din kung minsan hahahaha. D
Anong magandang gawin bukas Diary? (yung ginagawa lang ng mga single ha)
bye na diary. Hanggang sa muli
love,
katkat