One day, she's going to leave you with your heart broken and shattered to pieces, and that'll be your greatest downfall.
-x
"Sino ka ba?"
Tanong mo sa akin pagkatapos nating magkabanggan sa isang lugar na hindi ko inaasahang magkikita tayo. The words echoed through my head like a thousand times. I gritted my teeth and stared at you in disbelief. I laughed with so much sarcasm. Sino ako? Limang taon tayong nagkasama tapos ngayon... hindi mo na ako maalala? Ginagago mo ba ako? Niloloko ma ba ulit ako? Sige. Sasagutin kita. Makinig ka.
Sino ako?
Natandaan mo ba yung una nating pagkikita? You were crying under the heavy rain. Lumapit ako sa'yo na walang dala, kahit man lang payong ay wala. I just used my jacket to cover me and of course... you. Tinanong kita kung bakit ka nagpapaulan. You just gave me a small, yet a sad smile. Akala mo hindi ko nakita yung mga luha mong pumapatak galing sa mata mo. You were very vulnerable... that time. Tinanong ulit kita kung ano ba ang nangyari. Pero tiningnan mo lang ako tapos ngumiti ulit. Ganun na lang ba? Ngingitian mo lang ako? Bakit ba?
Makalipas ang ilang segundo, tinanong mo sa akin:"Pwede mo ba akong yakapin?" Hindi na ako nagdalawang isip pa at yinakap na kita kaagad kahit hindi ko alam kung anong problema. Kaya hindi nalang kita tinanong. Yinakap nalang kita hanggang sa tumigil ang ulan, at hanggang sa nagsawa ka na sa kakaiyak. Pero parang alam ko. Sinaktan ka na naman niya, no? Yung lalaking nagustuhan mo ng mahigpit dalawang taon. Yung lalaking para sa'yo... perpekto. Kumbaga, boyfriend material. Siya. Yung gusto mong lalaki. Bakit siya pa? Bakit 'di nalang 'yung iba? Siya pa talaga? Bakit kaisa-isang lalaking kaibigan ko pa? Hindi ko naman inaasahan 'yun. Talaga? Best friend ko pa talaga. Perfect. Just perfect. Hindi lang kami mag best friends, magkapatid din ang turingan namin. Kumbaga, sabi nila, "brothers from different mothers."
Sino ako?
Hindi mo pa rin matandaan? Hindi ba't dito ka sa akin tumatakbo kapag... may kailangan ka lang? Nilalapitan mo lang ako kung gusto mo ng tulong, kung paano mo makuha ang lalaking nagpapatubok ng puso mo. Syempre. Gusto kita. Ay hindi, nagustuhan pala. Kaya tinulungan kita. Sinabi ko kung ano ang gusto at hindi gusto niya. Halos lahat ng alam ko tungkol sa kanya, alam mo na din. Nagkwentuhan tayo, masaya naman kahit papaano. On the down side, siya lang yung topic natin. Atleast nag uusap tayo. Okay na 'yun. Masaya ka naman pala kausap.
"Gusto niyang flavor ng ice cream ay cookies and cream. At gusto ko din 'yu-" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko sana kasi pinutol mo ako kaagad. Kaya natahimik nalang ako at tiningnan ka.
"Talaga? Bibili ako pagkatapos nito. Ano pa ba?" tanong mo pa sa akin tapos ngumiti.
Sino ako?
Ako yung tumulong sa'yo noon, yung mga panahon na kinailangan mo talaga ako. Noong mga panahon na nililigawan mo best friend ko. Ngayon ko lang napagtanto na hindi pala kapani-paniwala yung ginawa natin. Ikaw yung babae, tapos ikaw pa yung nanligaw?
Pero wala sa akin 'yun noon. Wala lang 'yun sa akin kasi ang tanging nasa isipan ng mga panahon na 'yon ay ikaw. Iniisip ko noon kung paano hindi ka masaktan. Naalala mo pa ba? 'Di ba't tayo yung nagtulungan noon? Ako yung naghanda sa date niyo at ikaw naman yung naghanda sa mga pagkain, chocolates at iba pa. Tinulungan kita kahit labag sa loob ko, kahit masakit sa parte ko. Kahit unti unti na akong nawawalan ng pag-asa. Tinulungan parin kita.
Masisisi mo ba ako? Nagpakatanga ako para sa'yo. Kahit paulit-ulit mong winasak, binasag na parang plato, tinapon sa tabi ang puso ko. Patuloy ko parin 'tong binigay sa mga kamay mo, pati kasiyahan ko. Ako na. Ako na ang dakilang tanga.
BINABASA MO ANG
Sino ako?
Teen FictionOne day, she's going to leave you with your heart broken and shattered to pieces, and that'll be your greatest downfall.