1st Stage

1.1K 14 2
                                    

Gayle's POV:


"Kailangan ko ba talagang gawin to?" Tanong ko sa mga bestfriends ko na sina Angeli at Carmina. Mga bestfriends ko ba talaga tong mga 'to? -_-


Nasa computer shop kami ngayon at pilit nilang pinapagawa sa akin ang ayaw kong gawin. Paano ba naman kasi, palitan ko daw yung status ko ng "IN A RELATIONSHIP" eh wala naman akong karelasyon. Tapos ang mas malala pa, sa crush ko pa gagawin yun. >_<


Nakakahiya kaya! Baka sabihin nun eh ang ambisyosa ko. Tsaka siguradong kakalat 'to sa buong school. Psh.. Bahala na si Lord sa akin. Waah >o< Sana di ako mapahamak sa gagawin ko.


"Aba, syempre naman. Punishment mo yan sa pagtago ng secret sa amin ni Angeli!" pagsumbat ni Carmina sa akin.


"Sige na! Gawin mo na. Dali! Kung ayaw mo OKAY lang! Di ka na namin best friend. Sige, babye!!" paalis na sana sila pero pinigilan ko sila. Mga loka. Kinonsensya pa ako.


"Wait! Oo na. Gagawin ko na. May magagawa pa ba ako?" Nakakaasar na sila ha. -_-


"WALA! hahahaha" sabay pa silang nagsabi niyan tapos umupo ulit sila sa tabi ko. Mga baliw! Tsk tsk.


"Ikabubuti mo rin naman yan eh. Promise maganda ang resulta niyan." may assurance na sabi sa akin ni Angeli.


Tinignan ko yung screen at ng makita ko sa chat box si Nick Anthony Carino, "Online siya guys. Pano na?!" Napasigaw ata ako kasi yung mga tao nakatingin na sa amin eh. xD


"Diba may confirmaton yung taong i-in relationship mo?" lumingon ako sa kanila.


"Oo. Kaya i-chat mo na para mai-confirm niya." -Carmina


Nagbuntong hininga muna ako bago ko sinimulan yung convo namin.


//

ako: Ah, Nick. Pwedeng humingi ng favor?

siya: Sige, ano ba yun?

ako: uh, meron kasi akong punishment eh..

siya: and?

ako: confirm mo naman yung being in relationship natin. Uy utos lang ng mga bestfriends ko yan ha!

//


Ang tagal namang magreply. Ayaw ata niya eh. Sabi ko na nga ba eh. Hindi ako yung tipo ng babae ni Nick. #Friendzone</3 Nagulat ako ng nagpop up yung chatbox namin.


//

siya: sige lang. Punishment lang naman diba? Wait ko. :)

//


"Be, pumayag na oh. Go na!" excited naman tong si Angeli. XD


Ginawa ko na yun. No choice eh. *sigh*


//

siya: Oh pano, tayo na?

ako: Ano ka? hilo? Sa fb lang no. Sira!

siya: haha joke lang naman. :D So hanggang kelan to?

ako: Di ko alam eh. Siguro iinform nalang kita pag dating ng araw.

siya: Sige see you around. :)

ako: See you. :)

*END OF CONVERSATION*

//


"Oh, nagawa ko na. Ano, masaya na kayo?" tanong ko sa kanila.

"Syempre!" sabay na naman sila at ngumisi pa ang mga bruha! =_=

"Hay ewan ko sa inyo. Umuwi na nga tayo."


Habang nasa daan kaming tatlo,

"Hi Gayle. Congrats sa inyo ha. Bagay na bagay talaga kayo. Congrats ulit ha."-Classmate1


"Yiee~ Congrats daw oh! Sabi sayo eh! Effective yan." Pang-aasar ni Carmina sa akin.


"Anong effective? Nakakahiya nga eh."


Nakauwi naman kaming tatlo ng buo.


KINAUMAGAHAN


Habang papunta ako ng classroom.

"Hey, congrats ha."-Classmate2

"Uy, swerte mo naman. Ang gwapo ng bf mo. Congrats!"-Chismosa1

"Gayle, congrats"-Tambay sa mga benches

"Sana magtagal kayo ha"-Schoolmate


Kung anu-ano ang naririnig ko sa mga tao sa paligid ko. *sigh* Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Puro kantiyawan at congrats ang naririnig ko. Ano ba naman tong pinasok ko? >__<

--------------------------------------------

Done editing. Thank you po sa pagbabasa. Love you all guys and God bless. :*

-MichyeoFanGirl<3

Facebook Status: SINGLE change to IN A RELATIONSHIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon