Chapter One.
How I Met Inigo
"Falling inlove with him is something I hadn't expected. But being inlove with him is something I couldn't stop even if im tired."
Ako nga pala si Margaret. Isang broken hearted na babae. Dalawang taon na ang nakalipas nang iwan ako ng boyfriend ko. Ang dahilan niya? Kasi tapos na ang tatlong taon. Tanginang yun. Anong akala niya sakin pagkain? Na pagtapos ng tatlong taon mayron ng expiration. First love ko siya. First boyfriend. First kiss. First hug. First date. Lahat na ng first ko nakuha niya. Well except first s*x.
Dalawang taon na ang nakalipas. Pero hanggang ngayon, nakakulong parin ako sa nakaraan. Hanggang ngayon, hindi ko pa din siya makalimutan. At hanggang ngayon, MAHAL KO PA DIN SIYA.
Paano mo nga ba magagawang kalimutan ang isang taong minahal mo ng lubusan? Buong pagmamahal ibinigay mo sakanya. Pero bullsh*t na buhay to! NILOKO NIYA LANG AKO. Lahat naman ng gusto niya ginawa ko. Lahat ng hilingin niya binibigay ko. Sh*t lang talaga. Hindi siya marunong makuntento.
Ano bang problema niya sakin? Maganda naman ako. Mabait. Mayaman. Sexy. Matalino. Ano pa bang gusto niya? Ano pa bang kulan sakin? Ano pa bang hinahanap hanap niya? ANO PA?!!
Hanggang ngayon, umaasa pa din ako. Na sana balikan niya ako. Na sana maayos pa namin ang lahat. Na sana ako pa din ang mahal niya. Dahil hanggang ngayon, siya pa din ang laman ng puso ko. Siya lang..wala ng iba.
Ang dami daming bakit na gumugulo sa isip ko. Bakit niya ako iniwan pagkatapos ng tatlong taon naming pinagsamahan? Bakit ba ipinagpalit niya ako? At ang pinakamasakit sa lahat..
bakit sa bestfriend ko pa?
***
Ako nga pala si Inigo Gideon. Isa lang ang masasabi ko sa buhay ko. NAPAKAPANGIT. Bukod sa pangit na nga ang pangalan ko, ang pangit pa ng nangyare sa buhay ko. Kahit na ang daming pangit na nangyayare sakin. Buti nalang talaga at gwapo ako.
Isa akong artista. Pero noon nalang yon. Madaming sumisira sakin. At masasabi kong nagtagumpay naman sila. Sayang naman ang effort nilang gumawa ng kung anu anong issues masira lang ang image ko. Kaya ngayon, ito ako. Isang ordinaryong binata nalang. Wala ng mga media na sumusunod sakin kahit saan ako magpunta. At kung noon nakakainis sila. Ngayon, nakakamiss na. Buhay ko na ata ang pagaartista. Limang buwan na din akong nagtitiis. Gustong gusto ko ng humarap sa camera.
At ang isa pang pangit sa buhay ko. Nung iniwan ko ang taong mahal na mahal ko..para lang sa career ko. Hindi pwedeng maging kami nun dahil nasa gitna ako ng kasikatan ko noong nagtapat siya sa akin ng nararamdaman niya. Gustuhin ko man. Pero hindi talaga pwede. Oo nga't mahal ko siya. Pero mahal ko din ang pag-aartista. At ang ayoko lang.. yung magkagulo pa. Ngayong handa na akong mahalin siya. Tangina. Ipinagpalit naman niya ako sa iba. Kung ipinaglaban ko lang sana ang pagmamahal ko sakanya noon. Edi sana masaya na kami ngayon. Kung siya sana ang pinili ko, edi sana hindi siya napagod. Hindi niya ako iniwan.
Hay.
Sana mas pinahalagahan ko siya kaysa sa trabaho ko. Sana mas inuna ko siya kaysa sa kasikatan ko. Sana ngayon sa akin siya hindi sa iba. Ang tanga tanga ko! Nagawa kong pang iwan ang buhay ko. Kaya ito ako ngayon, patuloy na umaasa na bumalik siya sa akin.
At sabihin niyang, "Ikaw pala ang gusto ko. Hindi siya."