So eto kami sa park ngayon.
Kwento, kwento at kwento.
Haha.
Para kong nananaginip. Yung dating lalaking akala ko di ko maaabot eh eto na! kausap ko!
Grabe yung pakiramdam, parang sobrang perfect ng araw na to.
Yung kaninang boring na araw eh nag iba sa isang kisap lang.
"Uy Min? Natulala ka jan?" sabay kalabit sakin ni Joseph at pag puna sakin.
"Ah, eh wala! Sensya naman. Haha!" pagdedeny ko at ayaw ko na ikwento sakanya yung mga nasa isip ko, nakakahiya kaya. :P
Lakad ulit kami hanggang nakita namin yung bench under the tree. Nice ng setting oh :)
Edi inaya niya akong umupo, ayun. Tuloy parin si sa kwento ng mga ginagawa niya nung nakatago parin siya sa uknown number na yun. Nalaman ko yung mga pag-iisip niya, yung mga kaba. Edi kwento rin naman ako nung akin. Syempre sinabi ko na nung una akala ko chaka yung tumatawag dahil ayaw ngang pakilala eh.
"Oy, Joseph!" pagsabi ko sa pangalan niya ng medyo may ilang, syempre di pa naman kami ganun ka'close.
"oh bakit?" tanong niya.
"Ang unfair mo no? Ako kilala mo ko nung tinatawagan mo ko, alam mo kung sino yung kinakausap mo. Eh ako? Nangangapa, di ko alam kung mabait ba yung kausap ko o may balak na ba kong kidnappin. Kakakaba ka!" Medyo di masaya yung tono ng boses ko.
"Eh sorry na. Please? Nagpakilala naman na ako eh" Sabay ngiti sakin.
"Oo sige na, haha. Kilala naman na kita ngayon eh." masaya na ulit yung sagot ko sakanya.
"Uy? Gabi na pala. uwi na tayo at sabi ko kay tita saglit lang kita isasama dito." Sabay tayo at aya sakin.
TITA? O.O close sila ni mommy? haha. Wagas lang maka tita no? Pero okay lang naman sakin yun XD

BINABASA MO ANG
Unknown Number (On Hold)
Short StoryAnong gagawin mo kung unexpectedly, magpakilala siya sayo?