Chapter 3: Bakit?

13 1 0
                                    

Kacey's POV
Nakaupo na ako sa upuan sa likod. Dumating na sila Kuya. Naupo sila sa harap ko at tumingin sila sa likod nila at nakita nila ako.

'Bakit ba ako pumuwesto dito...bwisit naman eh!! Nandito si panget!!'

"Hi Kacey!! Kamusta ka na?" Tanong ni Gab sa akin. Tumingin ako sa harap nila at nakakita ako ng vacant chair lumipat ako soon at nagulat naman silang apat sa ginawa ko. Tumingin ako sa likod pagkaupo ko.

" I'm good...you..how are you?" Tugon ko sa tanong niya. Ngumiti naman siya at nakita ko ang mga cute niyang dimple. Napangiti ako dahil...

'Sobrang cute talaga ng dimple niya!!'

Aaminin ko si Kuya Matt din merong dimple pero mas cute yung dimple in Gab kaysa sa kanya.

'Sorry kuya..'

Tumingin na ako sa harap at saktong dumating ang prof namin. At nagsimula na siyang magintroduce sa amin at nagpakilala na kami isa-isa.

.
.
.
.
.

*kring,kring*

Tunog ng bell namin. Wow.. Wala man lang kaming ginawa pero may homework. Naglalakad na ako palabas ng room namin ng biglang may humarang sa akin.

"Pwede ka bang maging kaibigan?" Nakakaloko niyang sabi. Tumingin lang ako ng masama at nilagpasan siya. Nang papaalis na ako hinawakan niya ang kamay ko.

"Ano bang kailangan mo ha?!" Sigaw ko at nakuha ko ang lahat ng atensyon ng mga estudyante. Napangisi siya ng nakakaloko at tumingin sa akin. At umalis na sila. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng may humablot ng braso ko.

'Wala talaga ako sa mood ngayon. '

Napatingin ako at nakita ko si Kuya Matt pala to. Napatingin siya sa mata ko at sinabing..

"Anong ginawa nila sayo?!" Hindi ako sumagot at dumating na sila Benedict,Gab,at Daniel.

"Anong nangyari,Kacey?" Tanong in Gab sa akin. Nakatingin silang lahat sa akin.

"May humarang sa akin na mga lalaki at ngumisi sa akin. Lalagpasan ko na sana sila ng hawakan nung isang lalaki yung kamay ko. At sinagaw ko na 'ANO BANG KAILANGAN MO?!' at umalis na sila dahil nakuha ko ang atensyon ng lahat" kwento ko sa kanila at tumakbo na sila papunta sa canteen.

'Mga timang...tatanongin ako tapos tatakbo sa canteen... What the heck?!'

Nagpatuloy na ako sa paglalakad at dumiretso sa garden namin. Sobrang nakakarelax dito dahil masarap sa pakiramdam ang hanging dito. Naglakad ako sa malaking puno at humiga doon sa ilalim nito. At nakatulog na ako.

Benedict's POV

Sinundan ko si Kacey at napatigil ako ng humiga siya doon sa ilalim ng puno. Nakita ko siyang pumikit at nakatulog na siya. Naglakad ako papunta sa kanya at umupo sa damuhan. Napatitig ako sa kanya ng 10 minuto at may pumasok sa isip ko.

'Halikan ko kaya siya kahit sa noo lang'

Inalis ko ang nasa isip ko at tumitig nalang sa kanya. Hindi ko talaga matiis kaya hinalikan ko siya sa noo. Buti hindi siya nagising. Buti walang nakakita sa ginawa ko.

'Bakit ba ikaw ang nagustuhan ko. Marami namang babae dyan eh...bakit ikaw? Maybe it's just that you're one of a kind. To make me fall for you...maybe you're just unique to the other girls I met before. Pero bakit ikaw pa na hindi ko naman kayang ipakita sayo na mahal kita. Bakit ikaw na hindi ko naman kayang abutin ka.
Why do you have to be so far away from me...why is it you,Kacey?'

Nasaktan ako sa inisip ko kaya umalis nalang ako at hinayaan ko siya doon. Sa bawat lakad ko may tumutulo na luha.

'Ang sakit na sabihin na mahal kita pero hindi ko kayang iparamdam at ipakita sayo...ang sakit'


ÀCCIDENTALLY INLOVE WITH A HEARTHTROBWhere stories live. Discover now