Chapter 1

39 0 0
                                    

"My name is Scarlet Zein , 18 years old."Pagpapakilala ko kasi nag apply ako bilang model, pagkatapos kong magpakilala sinimulan ko ng rumampa talagang ginalingan ko dahil kailangan ko ng trabaho para mabalik sa amin ang aming bahay sa probinsya dahil kung hindi ibebenta ng parents ko ang bahay namin dito sa maynila at doun na kami maninirahan sa probinsya at ayokong mangyari yun dahil hindi ako sanay sa gawaing bukid at tsaka walang wifi dun hindi ko ma vivideo call ang boyfriend ko na si Travis.

Pagkatapos nung screening ay tinawagan ko na si Travis para magpasundo dahil gumagabi na rin mag sisix pm na kaya kailangan ko ng umuwi baka hinahanap na ako sa bahay,strict kase yung parents ko dahil ako lang yung babae sa aming magkakapatid at tsaka kaka eighteen ko lang daw kaya hinay hinay lng daw muna.

Mga 10 minutes bago nakarating si Travis dala ang kanyang  mamahaling sports car, lumabas siya at lumapit sa akin para humalik at umikot para pagbuksan ako ng pinto.Kinuwento ko sa kaniya kung ano ang nangyare sa pag pasok ko bilang model at nagkwento rin sya kung kamusta yung araw niya,sa tagal naming nagkuwentohan diko na namalayan na nasa labas na pala kami ng bahay namin,bumaba na kami at pumasok sa bahay legal naman kami kaya okay lang na pumunta sya sa bahay.

Sinalubong kami nila Kuya Marc at Kuya Xyrus ang mga abnormal kong kapatid na kaibigan din ni Travis.

Iniwan ko muna sila sa sala at dumeretso sa kusina para puntahan si Mommy na nagluluto para sa hapunan namin.Binalikan ko na sila kuya sa sala para makisali sa kwentohan nila.

Tinawag na kami ni Mommy para kumain kaya pumunta na kami sa kusina at umupo sa hapagkainan at nagsimula ng kumain nag kwentuhan lang kami habang kumakain at pagkatapos ay hinatid ko na sa labas si Travis dahil uuwi na raw sya. 

Nagpaalam na sya sa akin at sumakay sa kanyang kotse at pinaharorot niya ito,nang mawala sa aking paningin ang kaniyang kotse ay tsaka na ako pumasok sa loob ng bahay.Dumiretso na ako sa taas at pumasok sa aking kwarto.



Until ForeverWhere stories live. Discover now