Chapter 2

503 11 11
                                    

                       " Good morning Mr. Romero." panimula ni Slater sa matandang kakarating lang. tiningnan siya nito ng masama nang hindi niya binati ang kanilang kliyente. Umismid siya at pilt na ngumiti.

"Good morning po."

"Good morning,ang ganda naman ng mga ngiti mo Hija."

"Salamat po." kiming sagot ni Tin.

"Ahm,Mr. Romero pwede na po ba tayong mgasimula? Mukhang marami po kayong appointment at pinili niyo pong makipag-meeting ng ganito kaaga." pagsingit ni Slater sa kanila.

"Ahhh yeah sure! Kararating lang kasi ng anak ko galing Australia, at gusto kong magkaroon ng oras sa kanya. Kaya ayokong sayangin ang mga araw habang nagbabaksayon siya."

"Ano naman po ang kaugnayan nun sa eroplanong rerentahan niyo?" mahinahong tanong ni Tin at piliy na itinatago ang inis.

"A-ang ibig niya pong sabihin eh,mas maganda kung may pupuntahan po kayong ibang lugar para malibang po ang anak niyo." sabay tingin ng masama sa kanya. Nagpapahiwatig na tumahimik siya.

"Ahhh. . ganun ba. Hmm. . .yun nga sana ang palno ng anak kong si Carlo,kaya isang linggo kong rerentahan ang private plane niyo Mr. Young,Ms. Patrimonio."

"Ganun ho ba? Sige po at ipahahanda ko na ito bukas."

"Salamat hijo,by the way,pwede ba kitang ipakilala sa anak ko hija?" sabay tingin sa kanya.

"Sorry po,Mr. Romero. Pero wala po akong oras para----."

"Okay lang po sa kanya. Wala naman pong ibang gagawin si Ms. Patrimonio bukas."pamamatlang ni Slater sa kanya na ikinagulat niya.

"Talaga?! Good,bukas na bukas rin ay babalik ako rito kasama ng anak ko.Para mapagkasunduan na rin natin kung kailan ko kukunin ang private plane."Sabay tayo at nagpaalam na ito sa kanila.

                Pagkaalis nito ay agad na sumabog ang galit ni Tin kay Slater at mabilis pa sa bagyo na sinuntok niya ito sa braso. Na hindi nailagan ng huli.

"Ouch! What's that for?!" gulat na tanong nito.

"Ha! Ang kapal ng mukha momg pangunahan ako! Bakit mo ginawa iyon?!" galit na sigaw niya rito.

"May pagka-amasona ka rin pala,Tintin. Gusto kong ipaaalala sayo na maging friendly ka sa mga kliyente natin. Part yun sa negosyo." mahinahong pahayag nito.

"Parte rin ba sa negosyo ang pangunahan ako Mr. Young?" panunuya niya rito. "Sabihin mo ngayon dun sa matandang iyon na hindi ako makipag-kilala sa anak niya!"

"Makipag-kilala ka lang------."

"Shut up! Kung ayaw mong tawagan ngayon si Mr. Romero,puwes ako ang kakausap sa kanya at sisiguraduhin kong hindi niya itutuloy ang pag negosasyon sa SLATIN Airlines."

"Hindi mo magagawa yan. ." kampanteng sagot nito.

"Huwag mo rin akong subukan Jan Slater Young."

                     Nakipagtitigan siya rito at hindi nagpaapekto sa matatalim nitong mata. Nginisihan niya ito na nagpapahiwatig na kaya niyang gawin ito at hindi siya magpapatalo. Hanggang ito rin ang kusang nagbawi ng tingin.

"Okay,okay,okay!" Kinuha nito ang cellphone at nag-dial. "Ahmm. . Mr. Romero,pasenya na po. May appointment po pala si Ms. Patrimonio bukas. . .Ahhh. . .Sige po salamat." Pagkababa sa cellphone ay tumingin ito sa kanya.

"Masaya ka na ba?"

Bago pa niya ito masagot ay tumunog naman ang kanyang cellphone.

"Hello?. . .Best!Kumusta,bakit ngayon ka lang tumawag? Namiss kita." sinulyapan niya si Slater at nagtatakang tumingin siya rito nang bumusangot ang mukha nito. "Lunch?Yes,Im free. Okay,see you then.Bye." Tinanong agad niya ito. "Ano nga uli yung tanong mo?"

"Masaya ka na ba?!"

"Bakit ka sumisigaw?! !"

"Tinatanong kita kung masaya ka na?!"

"Oo! Masayang-masaya! Makakapag-bungee jump ako sa sobrang saya!" sarkastikong saad niya. Tumayo siya at inaayos ang sarili. Nagtatakang nilingon niya ito nang bigla itong nagsalita nang mahinahon.

"Is it Jericho?" tanong nito na hindi tumitingin sa kanya.

"Anong pakialam mo?"

"Okay,just be in time na bumalik dito. Marami kang pipirmahan na papeles." mahinahong pahayag nito na ikipinagtaka niya.

"What?Bakit-----."

"Sa iyo nakapangalan,alangan namang ako ang pipirma." pamamatlang nito.

"Whatever." Sabay tayo at kuha ng kanyang bag. Kumunot ang kanyang noo nang hindi na muli pa itong nagsalita. Ang hirap talagang ispelingin ng lalaking to.At tuluyan ng lumabas ng opisina.

Alam niyang ayaw ni Slater sa bestfriend niyang si Jericho na ipinagtaka niya. Anong ayaw ni Slater sa bestfriend niya? Napabuntong-hininga nalang si Tin sa magulong sitwasyon nila ni Slater.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Daring Your Love (SlaTin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon