Hiyawan. Iwinasiwas ng mga batang fangirl sa gilid namin ang dala-dala nilang banner na may nakasulat na, "Happy Reverse Spades Day, IV of Spades! We love you!""Shet, ay labyu Yunik! Kahit bobo ka!" Malakas ang baritonong sigaw ni Val. Tumingin si Unique kay Val, at kakatawa ang mukha niya bago n'ya sinundan ang liriko. Maybe I can get you some wine?
"Yessss, baby!" Abot sa tenga ang ngisi ko habang nakatingin kay Val. Nakangisi rin s'yang tinitingnan ng iilang tao, pero walang paki ang gago. Napansin n'yang tinititigan ko s'ya kaya napatingin s'ya sa'king gawi.
"My Lenleniiiii, gus-to ko rin pa-la ay pogiiii," pang-aasar ni Val.
"Bwisit! 'Di bagay!"
Bumalik ang atensyon ko sa entablado. Inikot ko ang tingin ko sa banda at sa dami ng taong dumalo sa victory party ng IV of Spades. My precious little secrets are now slowly, and finally getting recognition from the world.
"Syempre. Alam naman natin kung sino ang gusto ko."
Nasiko ako ng isang magulong batang fangirl sa aming giliran. Pinagpalit ni Val ang pwesto namin. Naging mas magulo ang mga fangirls sa tabi niyal, ngayong papalapit na ang kanta sa chorus nito. Iilang siko na rin ang natanggap ni Val, pero 'di siya natitinag. Lalaki, eh.
"Let's just have fun tonight, Len." Ginulo n'ya ang buhok ko, at sa pagtingin ko sa entablado, kinakanta na ni Unique ang panghuling linya bago mag chorus.
You can never stand alone in the dark, oh baby
So..
Alam na ng lahat ang susunod na mangyayari. Alam ko.
Dance now, dance now, baby
Give it all and I'm gonna start
At alam ng sumasayaw at nakangiting Val na inienganyo akong sumayaw. Halos lahat ang umindak sa tugtugin. Halos lahat din ay may iba't-ibang dahilan bakit sila umiindak. Sumasabay na kami ni Val sa pagkanta habang sumasayaw. Sa karamihan, ito'y dahil sa pinagsama-samang tunog na nakapag-eenganyo sa kanilang katawan na sumayaw. Iyon lang. Walang malalim na pinaghuhugutan.
Ang iba, gustong magwala. Gustong makawala sa anumang realidad o problemang gusto nilang takasan. Inikot ako ni Val, at pinaikot ko rin s'ya kahit sumabit ang ulo n'ya sa maikli kong braso.
Natapos ang unang awit at susunod na ang pangalawang kanta. Nagbago ang tunog ng mga instrumento sa intro ng awit, pero nananatili parin ang funky vibe nito.
Yo mamma said that you should be home
Kabisadong-kabisado namin ang liriko ng kanta. Sumasabay kami sa pagkanta ni Unique, at sumasayaw parin ang iba. Sumisigaw na kami sa pagkanta.
Children of the future, let me tell you something
Napa-aylabyu IV of Spades na naman si Val, at sumasali na rin s'ya sa pagsayaw gamit ang dance steps ng lola n'yang nagkagusto rin sa tunog ng banda. Sinunod ko s'ya. Tawanan. Indakan. Ikot-ikot, na parang pagmamay-ari naman ang lugar. Maraming tawanan na naman, hanggang sa napansin n'yang pawis na pawis na 'ko. Dahan-dahan n'yang kinapa ang aking likuran, sa pagkagulat ko.
"Uwi na tayo?", ani Val, na tumatawa pa. Pinunasan n'ya ang tumatagaktak na pawis sa noo ko. Naramdaman ko ang init ng kanyang palad. Napansin n'yang medyo nawala ako sa wisyo.
"Shhh. You'll be okay."
Tatlong malalakas na palo ni Badjao sa drums, at sinundan ito ng malulupit na pagtipa ng electric guitars.
Sentimental.
Val's favorite song.
"Oh gahd! Ito na!" Sumeryoso ang mukha ni Val, umaktong mayro'n syang hawak na electric guitar at sumabay sa pag-awit. Tinitingnan s'ya ng mga magulong fangirls na magulo parin hanggang ngayon at kinukunan ng video.
"Hoy, Val! Baka mag-trending ka! Gago!" Nakatutok narin sa 'kin ang cellphones ng mga bata, pero natatawa nalang din ako sa pag he-headbang ni Val.
Never changing it up on you, never changing it up on you
Hindi nagpatinag ang loko. Feel na feel n'ya ang moment, eh. Nakinood nalang din ako sa kanya, kasama ng mga batang fangirls ng Eye Vee of Spades sa gilid namin. Pumunta ako sa pwesto nila at pinanood si Val sa screen ng phone ng isang fan.
Ohw, ohw, so sentimental
Tuwang-tuwa ang mga batang fangirl sa pinaggagawa ni Val, hanggang sa nagsimula s'yang gumiling. Nagtitili ang mga bata, at sumipol naman ang ilang medyo gorang na na kalalakihan sa bar.
"V-val! Hoy! Walang ganyanan!" Tumingin si Val sa'kin, at ngumiti nang nakakaloko.
Oh, shit. Here comes the guitar solo.
Nabingi ako sa tilian. Pati ang banda ay nakapansin na sa eskandalong pinaggagawa ni Val, pero patuloy lamang sila sa pagtugtog at pag-awit. Blaster was amused, kaya pati s'ya gumigiling narin. Hell, that was his signature.
Lalong lumakas ang tilian at sipol. Tiningnan ko uli si Val. Nagtama ang mata namin. May pagka pilyo ang mukha niya nang umiikot s'yang gumigiling, at nakatingin parin sa'kin.
Uminit ang buong mukha ko, nanlamig ang kamay. Bumilis ang tibok ng puso. Pinipilit kong hindi ngumiti ng abot tenga, kaya napakagat ako ng labi.
Shit. Val.
Natapos ang kanta nang isang masigabong palakpakan, para sa IV of Spades at kay Val. May ilang nagpa picture kay Val pagkatapos, habang naghahanda na ang banda sa susunod nilang tugtugin. Kumaway s'ya sa akin, pagka click ng camera ng batang fangirl na sumiko sa'kin kanina. Nakangiti akong kumaway pabalik.
Mga ilaw sa daan
Isang sipa sa puso.
YOU ARE READING
Balentayns [IV of Spades Fanfiction]
Short StoryAno ba ang papel ng musika sa paglimot? | A different take on fanfiction, if that is what you call this. | EDIT: Reposting this for old time's sake.