Chapter1

22 1 1
                                    

JAZZ JANE CAST POV

*Santiago High School*

“JAAZZZZZ!!” tawag sa akin ng kaibigan ko. Parang naka megaphone sa lakas ng boses.

“Ang aga-aga ang ingay mo! Sabi ko sayo makakalikot ko yang lalamunan mo eh!” sabi ko nung makalapit na siya.

“Pag nagawa mo pepekeen natin lisensya mo.”

“Geh nga-nga na.” susungalngalin ko talaga tong megaphone girl na to eh.

“Tangna Jazz magtigil ka nga biro lang eh. Papalakihin mo lang lalo bunganga ko.” sabi naman ni Mikee. Isa sa mga kaibigan ko at sa kanilang lahat siya ang pinakamaingay.

“Tangna mo rin! alam mo namang kaya kong gawin yun at isa pa bibig yan hindi bunganga para sa hayop lang ang bunganga.”

wag kayong mao-offend sa ganyang usapan namin ah. Ganyan lang talaga batian namin. Ayos no!

“Hayop naman talaga yan eh. snake to be exact." Napalingon ako sa nagsalita.

kala niya hindi ko narinig ah. *evilgrin*

“Nagsalita ang tarsier na parang palakang kokak ng kokak.” Sabi ko saka nag-umpisang maglakad sumunod naman sakin si Mikee na tuwang tuwa na nabara ko nanaman ang lalamunan ng pesteng palakang-tarsier nayun.

“Ay palakang-tarsier” gulat na sabi ko.

“PfffttBwuaahahahahha. Ahahhaha.” Si Mikee grabeng tawa

May humila kasi sa braso ko si palakang-tarsier… ay Trisha pala hindi bagay ang pangalan niya sa kanya mas bagay talaga ang Palakang-tarsier o Tarsier nalang kaya. Heheheh. Bad Jazz!

 

“Hoy ako ba talaga ang sinasabihan mo ng palakang-tarsier?” nanggigil na sabi niya sakin. Pinagkumpulan na kami ng mga estudyante.

“May iba pa bang “palakang-tarsier” ang palayaw dito?” tanong ko sa mga nakapalibot samin. Yung iba umiling-iling lang at nagkibit balikat. Eto namang si Mikee tawa parin ng tawa.

“Sa ganda at sexy kong ito natatawag mo ako ng ganyan” sabi niya saka nag sexy-pose.

“Yeah maganda ka naman talaga…”

“Buti alam mo!..” sabi niya.

“Hindi pa ako tapos mas gaganda ka kapag pinatapos mo akong magsalita”

“Talaga! Sige tuloy mo.”

 

“hmmmUto-uto.”Bulong namin ni Mikee.

Twin ForeverWhere stories live. Discover now