Lollipop

133 3 0
                                    

ULIT LANG PO KASI MAKULIT AKO..TAGLISH PO ITO :) THANKYU! ENJOY :)

Text description:

Bold - Junhong (except sa part nung 3rd person pov)

Ordinary and Bold + Italic - Min

3RD PERSON'S POV

Naglakad-lakad si Junhong sa mga sidewalks ng Hongdae habang tumitingin-tingin sa paligid niya. Hinahanap ang cafe na pag-mi-meetan ng kanayng kaibigan. 

"San na ba yun?" Sabi niya sa sarili, sabay lingon sa kaliwa. Ang mga kamay niya nakalagay sa bulsa niya. Halatang naiinip na at di na makapag-hintay si Junhong.

"Ang gwapo oh!"

"Artista kaya siya?"

"Ang tangkad..ang kinis pa ng mukha! Baka rookie!"

"Wahh~ he's perfect.."

Tanging sabi ng mga taong nakapansin sa paligid niya. Parang hindi ito narinig ni Junhong at di pinansin dahil busy siya sa paghahanap. At biglang lumitaw sa paningin niya ang isang babaeng nakaupo sa loob ng cafe malapit sa bintana. Napangisi siya at tumakbo papunta ng cafe.

"MIN!" Tawag niya sa babae pagpasok niya sa loob. Umangat ang ulo ni Min at ngumiti sabay iwinagayway ang lollipop na hawak nito. Napangiti lalo si Junhong at lumapit sa table.

"Uy!" Sabi ni Min. Umupo si Junhong sa harap niya.

MIN'S POV

"Musta na? Long time no see ah! May girlfriend ka na ba?" Tanong ko sa kanya. Napangisi siya na parang nahihiya-hiya pa at hinawakan ang batok niya. Kunwari nahiya?! Eh walang hiya nga to eh!

"Ok lang. Ako?! Mag-ka-ka-girlfriend? Syempre noh! Sangkatutak!" Biro niya. Hay nako.. mukhang bata pa rin siya hanggang ngayon. Pero ang height naman..pang mama XD

"Nice joke, Jun! Di mo ko mabibiro no. So wala pa?" Sabi ko naman. Tumango nalang siya at nilagay yung dalawa niyang kamay sa table.

"Namiss mo ba talaga ako?" Tanong ko.

"Oo naman! Grabe ka ah..nag-duda ka pa.." sabi niya sabay pout! Aegyo pa more! 

"Eh, nag-cha-chat naman tayo ah.." Sabi ko.

"Eii..iba yun! Mas maganda pag personal!" Paliwanag niya ulit. Tinawanan ko na lang yung expression niya.

"Buti naman at pumayag ka ng bisitahin ako dito sa Korea. Thank you ah! Kala ko di ka darating.." Sabi ko. Medyo may paawa effect :) Ginulo niya yung buhok ko.

"Sus, paawa ka pa. Pero syempre, di ko papalampasin to no! Minsan na nga lang makapag-ibang bansa eh. Tsaka..nakaka-boring na rin sa Pinas." Sabi niya. Ngumiti na lang ako. Hinarap niya ko ulit at biglang kinurot yung pisngi ko.

"..At syempre...namiss ko si besprend!" Dagdag niya sabay tawa. 

"Aray ko naman!" Sabi ko. Tinigil niya yung pangungurot sakin. "Mayaman ka kasi, kaya madali lang para sayo ang 'lumayas'." Sabi ko sa kanya.

"Mayaman ka rin naman ah!"

"Eh basta! Mas mayaman ka!" Awat ko sa diskusyon namin na wala namang kabuluhan. Tapos, inabot ko yung lollipop na hawak ko sa kanya.

"Oh. Hinanap ko talaga yan! Mostly out of stock na at hindi na ginagawa.. pero nakakita pa ko." Explain ko. "Oh! Kunin mo na!" Abot ko. Tinitigan niya ko na parang na-weirdohan at nabigla sabay dahan-dahang kuha sa lollipop.

Lollipop (Zelo OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon