Hindi kita gusto

299 29 41
                                    

"Cyan!"

alam ko na kung sinong tumatawag sa pangalan ko. Cristhian kaya Cyan yung tawag niya. lumingon sa nilalang na sisira na naman ng aking araw.

"sabay na tayo. hehehe"

ayoko siyang kasabay sa pagpasok sa paaralan ng araw na yun. masyado akong naging masaya sapagkat nanalo ako sa Dota at yun ay aking pinagmamalaki.

"potris naman yana. di kita gusto."

diretsahang sabi ko sa kanya. tang ina naman kasi ayaw ko ng magkagusto sa kahit sinong nilalang na nakapaligid sa prinsipe na gaya ko.

"di ko naman yun tinatanong."

narinig kong sumasagot siya habang sumasabay siya sa aking paglalakad. tang inang babaeng reyna ng mukhang makakapal.

yun nga ang nangyari kahit labag sa aking kalooban nagkasabay pa rin kaming pumasok ng paaralan at silid aralan. kulang na lang itali niya ako sa kanyag suot na bag para di ako makawala sa kanyang paningin.

ganitong ganito rin si Elijah. ang babaeng minahal ko. dati yun. nung tanga pa ang isang taong gaya ko na pumayag na maging reserba at gamitin niya sa kanyang sariling kaligayahan at interes. sunud sunuran ako sa kanyang ninanais. bulag bulagan sa aking mga nakikita na kahit alam ko'y ako'y kanyang pinagloloko ngunit nagpakagago ako dahil labis ko siyang minamahal.

"may homwerk ka Cyan?"

kinakausap na naman niya ako. si Breanna. yana tawag ko minsan naman bebang. "meron." sabi ko.

"tang ina. pakopya."

nagulantang ako sa sinabi niya at kelan pa siya natutong magmura? tang inang babae pati ang pagmumura ko hinahangaan rin niya at talagang sinabi niya yun sa akin.

sa aking mismong harapan.

"heto. potris wag kang magmumura sa susunod" binigay ko yung takdang aralin namin sa asignaturang yun at gaya ng aking inaasahan, kinopya niya ang mga kasagutan ko sa pirasong papel na yun.

mabilis siyang magsulat kaya't natapos siya sa kanyang pangongopya at pangongodigo bago pa pumasok yung guro sa oras na yun.

Aking PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon