New story for my new username. ♥ SOOHAN story! Enjoy!
--
"Oy pre. Palit ka na sakin. Out na ko."
"Sige."
Alas tres. Kaya naman pala madaming tao ngayon. Nag-ayos na ako at umupo sa cashier's desk.
Ako si Timothy Rivera. 25 years old. Graduate ng Accountancy sa Adamson University. Nagtatrabaho ako sa isang bookstore dito sa SM Manila. Hindi naman ito kasing laki ng National Bookstore kaya konti lang din kaming nag aassist at cashier dito. Kung tutuusin maaga talaga kong pumapasok. Alas dos pa lang nandito na ko. Pag ganun, kadalasan nasa malapit lang ako sa pinto. Minsan tinatawag ko yung mga dumadaan para magvisit sa store namin.
"O, pre. Aga natin ah."
"Parang di ka na nasanay."
"Sige palit muna ko."
Tumango nalang ako kay Harvey.
Maya maya, may pumasok na babae. Matangkad. Morena. Slim. Pero Maganda. Hindi ko tuloy naiwasang tingnan siya.
Nagsimula na siyang mag iikot ikot sa mga shelves. Nang makapili siya dumiretso siya sakin . Inabot niya lang yung bayad atsaka ngumiti. Ibinigay ko sa kanya yung sukli at resibo niya. Bago siya umalis, ngumiti ulit siya sa akin. Hindi ko alam pero sa pagkakataong iyon bigla akong kinabahan. Naramdaman ko yung tambol sa loob ko. Wala naman akong sakit. Pero bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?
Sinundan ko lang siya ng tingin. Umupo siya sa bench na katapat ng bookstore na ito. Sinuot niya ang earphones niya saka sinimulang magbasa habang umiinom ng kape.
Nagsimula ng magdatingan ang mga customers. Minsan napapasulyap ako sa kanya. Ewan ko ba hindi ko maiwasan. Parang ngayon lang, napasulyap na naman ako sa kanya pero sa hindi inaasahang pagkakataon nagtama ang mga mata namin. Natigilan ako. Hindi ko alam kung anong irereact ko. Pero siya, ngumiti siya sakin. Sa pangatlong pagkakataon, nginitian niya ko. Natulala ako sa ginawa niya.
"Ah.. Excuse me?"
"Hoy tol. Tulala lang? Asikasuhin mo nga si Ma'am."
Nasermonan tuloy ako ni Harvey. Ewan ko ba pero ngayon langtalaga nangyari sakin to.
"Ah. Sorry po Ma'am. Napuyat lang."
Tumango lang yung customer saka umalis.
"Pre, ayos ka lang ba? Anyare sayo? Sino ba kasing tinitingnan mo?"
"Wala." sabi ko habang nangingiti.
"Wala? Pero yung ngiti abot hanggang tenga."
"Wala. Basta maganda."
Sabay kaming napalingon sa bench na nasa tapat nito.
"Ha? Wala naman eh. Para kang timang."
"Nandiyan siya kanina. Nakita ko siya. Pumasok pa siya dito kanina at bumili."
"Tol, kung ano ano ng nakikita mo. Tara na nga."
Umuwi na siya? Hindi ko man lang natanong yung pangalan niya.
--
Kinabukasan. Saktong alas dos nakarating na ko sa bookstore. Tulad ng madalas kong ginagawa, tumayo muna ako malapit sa pintuan.
"Tim! Paayos naman nung isang shelf dun. Saka yung bagong deliver na books pakisalansan naman."
"Sige, Ate Jade."