Picture
Shaira POV
Nakasimangot na dumating sila Andie at Sydney sa room
And i know na hindi dahil sa cellphone yan, halata eh dahil kung sa cellphone yan edi sana nagwawala na si Sydney ngayon
"Anong nangyari sayo?" tanong ni Ethan sa kapatid
Umiling lang si Sydney at naglakad na ulit pa punta sa upuan, take note, tinitignan nya pa ako habang naglalakad
Ano kayang problema?
"Shai" tawag sa akin ni Vee kaya napatingin ako sa kanya
"Why?" tanong ko
"Si Arianne, wala pa" sabi nya, napalinga linga ako sa paligid
Oo wala la nga sya
Nagpaalam kasi sya bago kami pumunta dito sa room na mag c-cr daw muna sya
--------------------------------
Arianne's POV
Naglalakad na ako sa hallway ngayon ng may humila ng buhok ko
"Aww" daing ko
Agad ko itong hinarap at bumungad sa akin ay si Nina at may kasama pa syang iba na may dalang pamalo, si Nina naman may dalang cellphone at matalim ang tingin sa akin
"Anong problema nyo sa akin?" tanong ko
"Ito oh" sabi nung isa sabay agaw kay Nina ng cellphone
May pinakita syang picture, ako at si Jp ay naghahalikan
Napatingin ako sa nakalagay tungkol sa post
--Post
Guys! Ang malanding si Arianne ay hinalikan ang papa Jp natin!
#MalandisiArianne
#MangaagawsiArianne
#Anti-Arianne----End-------
Nanlumo ako sa nabasa
OMY GOD! Bat ganito ang pinaparating
Napatingin ako kay Nina kasi alam nya ang nangayari
"Nina, nakita mo naman to diba?" tanong ko sa kanya
"Mmm oo" sabi nya na matalim ang tingin sa akin pero kahit ganon nakahinga ako ng maluwag
"Nakita mo naman na hin---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang nagsalita si Nina
"Oo, nakita ko kung paano mo inakit at hinalikan si Jp" galit na sabi nya kaya nagalit na rin ang mga kasama nya
"Malindi ka!"
"Mang aagaw pa"
"Kaya naman pala kinaibigan sila Sydney para mapalapit sa G10 at maakit si Jp"
Dahil don napaiyak ako unti unti rin akong umurong nang aamba silang sugurin ako
"Yahhh" napapikit ako pero wala naman akong maramdamang sakit, napamulat ako at nakita ko si Jp na nakaharang sa akin maging ang mga babae ay napahinto
Bigla akong hinila ni Jp at inakbayan
"Wag nyong sasaktan si Arianne Bautista, ang girlfriend ko" sabi nya na nagpahinto sa akin
Nagbulong bulungan ang mga tao sa paligid
Napatingin ako kay Nina na umiiyak na
"Uhm so ano, mag da-date lang kami ah" sabi ni Jp sabay kindat sa mga babae
Naglakad kami ni Jp na nakaakbay sya sa akin at nang makarating na kami sa lugar kung saan walang tao bigla nya akong tinulak
"Ano yun?" inis na tanong nya
"Ano?" inis din na tanong ko
"Gumagawa kasi ng eksandal" sabi nya sa akin
Thank you po! Ang laki ng tinulong nyo
"Eh ikaw nga yung dahilan eh" inis na sabi ko
"Bahala ka sa buhay mo iiwan na kita" sabi nya at aalis na sana
"Wait! Sino kasama ko dito? Paano kung ahbulin nila ako?" alalang tanong ko
"Sa tingin mo hahayaan kang masaktan ng .ga kaibigan mo" sabi nya sabay turo kila Shaira na papunta dito
Si Vee mukhang nag aalala
Si Ivory ganon din
Si Sydney parang shock
Si Andie halatang sobrang nag aalala
Si Calix nakatakip yung kamay sa bibig
Si Shaira no emotion at naglalakad lang na nakatingin sa mata ko mismo
Napatingin ako kay Jp na umalis na
Nang makarating sa akin ang mga kaibigan ko
Samutsaring tanong, Samutsaring sermon
"ANO!?" sigaw ma tanong nila
Napatingin ako sa kanila at umiling lang, napatingin ako kay Shaira na nakatunganga lang at parang walang pakialam sa mundo pero kapag ganyan si Shaira ay nag iisip iyan ng malalim eh
Bigla na lang dumating yung mga babae at may dala dalang mga pamalo ulit
"Ayun sya" turo sa akin nung isa
Nagsilapitan sa akin yung mga kaibigan ko maliban kay Shaira
Susugod na sana sila nang humarang si Shaira kasabay nun ay ang pagdating nila Yaniah at mga alipores nya
"Wag nyong sasaktan ang kaibigan ko" walang gana ngunit madiin na sabi ni Shaira
"Buti ka may nagproprotekta sa'yo kaya hindi ka namin sasaktan " sabi nung isa
Ngumisi si Shaira
"Ah may naisip ako" sabi ni Shaira sabay palaro ng daliri
"Ano yun?" matamang na tanong nung isa
"Kung maglabanlaban kaya tayo" nakangiting sabi ni Shaira na nagpahinto sa amin, si Yaniah lumapit na parang interesado
"Eh? Ano gusto mo sa amin? Maaga mamatay?" taas kilay na tanong nung isa
"Ah yung Ethan na yun, mmmm edi walang magsusumbong" nakangiting sabi ni Shaira
"Mmm parang guato ko yan ah, pero anong kapalit kapag nanalo ka?" tanong nung isa
"Mm wala kayong sasaktan sa mga kaibigan ko, at tuturingin nyo akong Queen ng School" sabi ni Shaira na nagpalapit nang husto kay Yaniah
"Hindi Maaari!!" sigaw ni Yaniah
"Lumabas din ang tunay na kulay!" sigaw ni Ivory habang pumapalakpak
"Papayag kami basta iisa ka lang" sabi nung isa
Napatingin si Shaira sa amin
"Sige" sabi nya
~To be Continued
YOU ARE READING
Campus Cupid
Teen FictionMeet the three populars: Shaira Vaseline Vasquez, Venus Delmonico and Arianne Bautista dahil sa kasalanan napilitan silang tumira sa Manila na labis nilanh kinamunuhiang lugar. Mag aaral din sila sa isang weirdong paaralan kung saan may roong two ru...