Unknown Love

9 2 1
                                    

This is a work of fiction. The characters, organizations and events portrayed in this story are

only products of the author's imagination. Any resemblance to an actual incident is purely

coincidental.

All rights reserved. 2018

==================================

Nandun lang sila kasama ng mga barkada niya, masakit isipin na wala talaga akong pag-asa sakanya. Nakakatawang isipin na hanggang dito nalang ako, patanaw-tanaw nalang sa malayo. Habang siya kasama niya ng mahal niya, masaya siya dahil sa babaeng yun.

Di ba pwedeng akin nalang siya, tapos sa iba naman yung babaeng yan? Bakit ba kasi dumating-dating pa yan dito eh. Bitter ba? Ganyan talaga pag-nagmahal di maiiwasan yan sabi ng iba 'wag maging bitter be better' eh pano ka magiging better kung patuloy mong dinadamdam ang sakit na talagang wala kang pag-asa, na kung patuloy mo paring iniisip na wala na talaga, hindi na pwede. Paano ka magiging better kung ni good nga hindi mo mailabas? I'm not making any sense Am I? 'bala na basta yun na yun.

Siya si Zinniel Morales at yung katabi naman niyang babae siya si Jazziel Lopez pronounced as (Jaz-yel). And the rest ay mga kabarkada niya kasama din sa basketball team they are varsities.
di nako magtataka kung bakit na-inlove siya kay Jaz (yun ang nickname ng babaeng yun) the cheerleader of his life..and me will forever be on the bleachers. Maganda siya, okey ang ugali, mayaman, matalino suma-sakay sa trip ng tropa nila.

Eh botong- boto nga sila sa dalawa eh, Kitams! Dun palang wala na akong panama. Were on different leagues.

*sigh*

Nag-iimagine ako ng eksena naming dalawa ni Zin, magkahawak kami ng kamay,naglalakad sa tabing dagat habang papalubog naman ang araw...hay~~ sunset.

Nagtitigan kami sa isa't-isa ang gwapo niya talaga, matangos ang ilong, maputi, may mapupulang labi, long eyelashes, perfect jawline...ngumiti siya sakin sabay lapit ng mukha niya...kunti nalang

Konting-kunti nalang...

kunti nalang talaga.....

"Earth to Jas!!!"lahat ng naiimagine ko went down all the drain ng biglang sumingit ang matinis at malakas na boses nayun.

Urghhhh!!

Yun nayun eh, malapit na eh! Nakaka g-r-r-r!!

"oh?"inis kong baling sa kaibigan kong mukhang kanina pa kinukuha ang atensyon ko,pero mukhang ngayon lang din nag tagumpay kasi nakakunot ang noo niya,pero naka pout naman(ano daw?).

Ayan tuloy halos lahat ng tao nakatingin na samin pati sila Zin, akala siguro nila na si Jaz ang tinawag. Ako si Jassey pronounced as (Jas-C) Santiago tawag naman ng karamihan sakin ay Jas. From my first name JASsey,oh diba pangalan naming dalawa ng mahal niya magkatunog na, bakit di pa kasi ako..chos!

Nakakahiya tuloy, bunganga kasi ng isang to eh.

"hehe..pasensya napo"hingi naman ng paumanhin ng bruha na to with matching bow pa yan, yung Korean style ha.

"gaga! Yan kasi lakas ng bunganga mo"sita ko naman sakanya sabay kagat sa sandwich kong nakalimutan kaninang kainin, kasi inuna pa ang pagde-daydream. Sarey ok..sarey

"eh..kasi naman po kung nakikinig ka naman sakin kanina pa ,eh di wala ka sanang kahihiyan ngayon"sabi naman niya sabay upo ulit sa upuan niya.

"tsk!"yun nalang tangi kong nasabi

Lumingon naman ako ulit sa table nila Zin, at ayun bumalik naman sila sa pagtatawanan at pagkain. Hay~~

"pasulyap-sulyap ka kunwari, patingin-tingin sa akin
di maintindihan kung anong ibig mong sabihin~~" kanta niya...na parang wala lang pero alam kong ako ang pinapatamaan.

Unknown LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon