"Nicole nasan kana? Nagsisimula na sila" saad ni Karylle galing sa telepono.
"Saglit lang, bye".
Nasa park ako ngayon, iniisip siya.
Siya na mahal na mahal ko.
Naalala ko nung una kitang makita, nagppe kayo.
Unang pagtingin ko palang sayo napangiti nako, yung ngiting gwapong gwapo sa isang tao, yung ngiting tagos hanggang puso.
Napatingin ka rin nun sa akin, kaya napaiwas agad ako ng tingin, pero alam mo ba?
Yung puso ko parang gustong magwala at tumalbog papunta sayo.Ang unfair mo nga nun that time eh, binigay ko yung puso ko sayo pero yung iyo pala matagal nang nasa ibang tao.
Ang lungkot ko nun nung nalaman kong may nililigawan ka,
Wala kong magawa, kasi sino ba ko diba?
Ako lang naman si Nicole Beato na nagmamahal sayo,
Na tumitingin sayo kahit sa malayo,
Na kahit anong gawin para sayo,
Di mo mamahalin tulad ng pagmamahal mo sa ibang tao.
One time sa canteen, bibili kami ni Karylle ng pagkain, then bigla kayong pumasok ng tropa mo.
Ang ingay niyo nga nun eh,
Tawa dito tawa dun, kaya mapapangiti nalang talaga yung makakakita sa inyo.Tulad ko, na nakatingin sa inyo,
Sa iyo.
Ang kulit mo, yun yung panay ka sabi ng kung ano ano sa katropa mo,
Meron pa ngang pagsuntok sa tagiliran eh.
Napatitig ako sayo,
Yung ngiti mo na parang isang napakahusay na obra sa buong mundo.Isa lang masasabi ko,
Ang gwapo mo.
Habang nakatingin ako sayo, bigla kang lumingon sa gawi ko,
Nagkatitigan tayo, ngumiti ka pa nga sakin.
Paking tape lang Franco, bakit kasi ang gwapo gwapo mo?
Gusto ko nang magpapapadyak sa tuwa, kinikilig ako! Waahhhh nakakainis ka,
Kinalabit ko si Karylle at kinuwento yung nangyari.
Jusko talaga, pwede nakong mamatay.
Yung mapapaisip ka nalang at umaasang sana may ibig sabihin ang lahat.
Kaso wala.
Dito na nagsimula yung istorya natin,
Naglalakad ako nang mag-isa sa may field ng school or should I say tumatakbo kasi naman malelate nako, di kasi ako nakatulog nang maayos dahil sa ngiti mo.
Di ko nakita na may mababangga na pala ako.
Nagulat ako,
Kasi ikaw pala yun Franco.
Naestatwa ako nun, ni hindi manlang nga ako nakapagsorry.
Tinulungan mo kong tumayo.
Hinawakan moko sa braso.
Nung dumikit yung kamay mo sa braso ko parang may kuryenteng dumaloy sa sistema ko.
Shete lang, nagkatitigan pa tayo.
Tinanong mo kung ok lang ako.
Hindi ako sumagot kaya sinuri mo nalang ako kung may sugat o galos sa katawan ko.
BINABASA MO ANG
Hinahanap hanap kita. (One Shot)
Короткий рассказYung oras na masaya na tayo, Kaso bigla kang mawawala sa piling ko.