●PAG-IBIG●

13 0 0
                                    

MGA PUSONG NAGDURUGO, ITO PARA SA INYO.😇 HAYAAN NINYO SILA SEGI'2 LNG FIGHTING!😊

  PAG-IBIG●
By: Itsmezahrosi

Pag-ibig nga ba ang nadarama?
Kung ang ating pagmamahalan
Ay panandalian lamang
O aking sinta.

Wala sa isip,
Wala sa puso.
Nasa iyo.
Ang sagot.

Sa desisyon
Na iyong ikinatuwa
At ang paglalambing
Na namimiss ko na.

Ang kaligayahan,
Nagbibigay tamis.
Mga ngiti mo,
Nagpapasaya sa akin.

Ikaw ba?
Ganyan ka din nga ba?
Noong tayo'y magkasama pa?
Pero bigla nalang nawala.

Nandito lang ako.
Para sa'yo.
Pero, binigo mo ako,
At bigla kang naglaho.

Ang iyong mga mata,
Bigla nalang kumikinang.
Kapag tayo'y magkasama,
Daig pa ang tamis.

Tamis ng
Pagmamahalan
At ang ating
Pangako na walang iwanan.

Minahal kita ng lubusan,
At ako'y iyong iniwan.
Anong kulang sa'kin?
Na iyong kinakailangan?

Hindi pa ba iyon sapat?
Na ako'y nagtiwala
Sa iyo ng tapat
Pero ano ang ginawa mo? HA!

Hindi madali diba?
Na sabihin ang lahat ng iyong nadarama.
Sa taong minahal mo,
Pero wala naman palang pake sa'yo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

QuotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon