____________________________
PROLOGUE
Pareho kaming may talent sa pagkanta.
Magkababata noong una...
Naging magkalaban sa mga paligsahan sa larangan ng pag-awit.
At nauwi ito sa nagkagustuhan kami sa isa't-isa noon.
Kahit na magkasintahan na kami ay patuloy padin kaming nagsasasali sa Singing Contest.
Minsan nga dahil pareho kaming nanalo at mas talo niya ako ay naisipan niyang sumabak kami sa mas matinding paligsahan.
Kung saan,National TV na ang nakakakita ng galing ng bawat isa samin...
Ngunit sadyang makulit ang tadhana.Biglang may kumuha sa kanya na isang kilalang manager ng mga artista na halos kasing taas na ni Boy Abunda ay binago ang lahat.
Palagi na siyang busy.Hindi na siya nasama sa akin tuwing sasali ako sa mga events kasi nga marami na siyang projects. Marami na siyang fans at nakalimutan na niyang girlfriend niya ako.
At isang araw,humanap ako ng timing para pumunta sa Mall Tour niya...Sinundan ko sila ng marami niyang staff na kasama hanggang sa parking lot at doon ay pinansin niya ako.
"Hi! Miss,fan din ba kita?"eto ang sabi niya habang ako ay nakatayong kinapalan ang mukha sa harap niya.
"Hey tapos na ang signing ng autograph ni Liam teh!Tsupi ka na at may isa pa kaming event na pupuntahan"
Hindi ko pinansin ang sinabi ng manager niya at hinawakan ko siya sa kamay na ikinaiwas niya ng tingin."Ivan...Hindi mo na ba ako nakikilala?"
Tumutulo na ang luha sa mata ko habang nakayuko para tingnan ang kamay niya.Pinipigilan pa ako ng mga kasama niya pero sinabi niya sa mga ito na umalis muna.
"Ivan,ako ito ang girlfriend mo...H-hindi mo ba ako talaga kilala?Palagi tayong nasaling magkasabay sa mga Singing Contest,sa Gay Bar minsan nagpeperform tayo at duet pa,sa mga barangay di--"
Hikbi pa din ako ng hikbi nun ng bigla siyang magsalita. "Miss sorry,ano ba ang sinasabi mo!?"
Lalong lumakas ang hikbi ko."Ivan...Dalawang taon akong nagtitiis para lang suportahan ka at di ka makita.Masayang-masaya akong nakita kita ngayon kasi miss na miss na kita,hindi ba at tayo pa din? Iniingatan mo lang naman ang public figure at carreer mo diba? Diba? Dib--"
Napasapo siya sa noo niya.
"Hey,look Miss...I really don't know you? I haven't seen you before.Are you my ultimate fan? Cause if yes,pare-pareho lang kayo ng drama.Sorry Miss but I'm so tired..I gave you my minutes to just signed your album of mine,but I commited mistakes,hindi ka pala magpapasign.Hey,why are you crying?"
Kinuha ko yung wallet ko.Ito na lang ang patunay ko sa kanya para paniwalaan niya ako habang humihikbi pa din,"Ivan..Look,ako 'to at ikaw? Tingnan mo,tingnan mong mabuti!H-hindi ba at masaya pa tayo dito?Nakaakba--"
"Hey,I can't believe you...Ugh",bigla siyang napahawak sa ulo niya kaya nataranta ako.
"I-Ivan what's happening?",hinawakan ko siya nun kaso itinulak ako ng manager niya.
"LIAM! MYGOSH!ANG ARTISTA KOOOOOOO.....GO AWAY MISS,TULUNGAN NYO KO DALI"
"T-teka lang!"nasabi pa nito sa akin habang hawak ang ulo.Tumigil naman sa kaguluhan ang mga kasamahan niyang staff at nilingon ako. "In case na tayo nga..."
"Liam you don't have a girlfriend pa,you're currently dating with Sab diba?"
Napahigpit ako ng hawak sa wallet habang itinutuloy niya ang sasabihin.
Kinakabahan ako.
Ipinagpatuloy niya ang sasabihin at di pinansin ang kanyang manager.
"In case that we are in a relationship,can you just forget me and don't tell anyone about us? I want to reminisce all the things that you had said awhile ago,but I really can't remember...So Miss,I want to be honest,I don't care and in fact I never seen you before so I'm shocked that I saw a picture of us. And hey it is funny--"
Nagtaklob ako ng tenga,ayaw ko na marinig ang huli niyang sasabihin kasi nasasaktan na ako.
"Are you still listening?"
"Stop! Stop! Ayaw kong marinig! Ayaw ko.Huhuhu"hindi na ako makahinga sa sobrang pag-iyak.Nasasaktan ako ng sobra talaga.
'Ay gaga ang drama huh' epal ng manager niya na napapaypay pa.
"Ayaw kong marinig please Ivan...I'm begging you..."
Inalalayan na siyang tumayo ng mga kasama niya at ipinapasok na sa van."W-wait,wag kang umalis..."
Napatigil na naman sila.
Nagsalita si Ivan kaya natigil ang pag-iimpake nila.
"Miss.Sorry talaga...Sorry talaga,but kung naging tayo man..",he sighed. "Let's just break up"
Tumigil ang mundo ko...
Pumasok na siya sa Van at isinarado ito then nakita ko na lang na malayo na ang Van na sinasakyan niya.
'Let's just break up'
Ansakit...
BINABASA MO ANG
A Song From A Star
RomancePaano kung ang dati mo na kaibigan na naging BF mo at kalaban sa mga Singing Contest noon ay sumikat ata kalimutan ka bigla ngayon?