Naranasan mo bang minsa'y naitatanong mo sa sarili mo
kung bakit ba kailangang palagi nalang ganito?
'Yun bang di ka na makapag-isip nang sakto kasi nga ika'y litong-lito.
Litong-lito sa mga problema mo't di mo alam kung papaano.Gustong mong umiyak
Ngunit di mo alam kung luha mo pa ba'y papatak.
Kaya't mapapaisip ka nalang na paano kaya'y iinom ka nlang ng alak,
Hangga't sa maririnig mo nalang ang tunog ng orasan na "Tiktak-tiktak".Gusto mong isigaw ang iyong hinanakit
Para naman mailabas mo kahit konti man lang ang nararamdamn mong sakit,
Sakit sa puso mong iyong inipit-ipit.