TULA PARA SAIYO MAHAL KO

11 0 0
                                    

Sa dinami-raming laman ng isipan ko
Hindi ko alam kung saan magsisimula at kung paano
Ngunit saan at paano nga ba?
A! Alam ko na,
Sisimulan ko ito sa mga masasayang alaala nating dalawa.

Yun bang mga panahong pag tayo'y magkasama
Walang humpay ang tawanan natin sa isa't isa.

Oo nga pala't naalala ko na.
Naalala mo rin ba?
Yung simula pa lang naging tayo?
Pero teka! Alin ba d'on yung ikukuwento ko?
Yun bang simulang-simula talaga at n'ong mga totoy pa labg tayo?
O yung pang-apat na beses na nating pagbabalikan at pagkakasundo?

Ang ganda kasi ng Love Story natin,
Pang MMK ang dating kung iyong iisipin.
At di ko tuloy maisip na mahaba-haba na rin pala ang ating narating.
Narating ng dalawang pusong nagmamahalan at patuloy ang pagsasagwan....
Pagsasagwan upang mga pating ay maiwasan.

Isa sa mga di ko talaga malilimutan ay yung huling beses na tayo'y nagkabalikan.
Sobrang kilig ko nun kasi di ko yun inasahan.

Dalawang taon!
Dalawang taon ba naman kasing wala tayong koneksyon.
Pati nga't yung mga nakaraan at nakaraan pa nati'y atin na ngang ibinaon.

Pero ano bang nangyari't tila bumalik.
Bumalik ang mga alaala mula ng ika'y biglang pumanhik.
Nabuhay muli ang damdamin nang ika'y nakita ko sinta,
Na para bang nalilimutan natin pansamantala na may kapiling na pala tayong iba.
Ang sakit nun diba?
Kasi alam nating parehong: "Sa atin ay may nagmamay-ari na",
Ngunit hindi ang mga puso nating dalawa.

Wari ko'y tila ito'y pakana ng tadhana.
Paglapitin muli ang mga puso'y tila nawawala.

Sa madaling sabi at pagpapaikli,
Nagkabalikan tayong muli.
Mga puso nati'y anong saya't anong tili,
Yung salitang "TAYO ULIT" ba naman kasi ang ating pinili.

Kahit alam nating may mga puso tayong nasasaktan,
Pero mas pinili pa rin natin yung "TAYO" na mas nagmamahalan at piniling ibalik ang sa ati'y nakaraan.

Ang daming pagsubok!
Ang daming pagsubok nating dinaanan.
Kahit nga sa mga salitang "WALANG FOREVER" ay ating pinapatulan at nilalabanan,
Kasi nga sabay tayong nagsulit sa mga katagang: "Lahat ng pagsubok ay makakayanan sa dalawang pusong nagmamahalan".

Ngunit ilang taon pa ang lumipas,
Mga pagod na nating puso'y sa mukha nati'y nababakas.

"AYOKO NA! PAGOD NA AKO! BREAK NA TAYO!"
Mga linyang paulit-ulit na lumalabas sa mga labi ko't mga labi mo.
Kasi nga kahit maliliit na mga bagay ay ating pinag-aawayan.
Hanggang umabot na tuloy sa puntong nagsusumbatan.

"GRABE!" isa sa mga katagang ating sinasabi.
"GRABE AKO'T GRABE KA!"
Mga ugali ba naman kasi nati'y magkaiba.

Minsan nga't tinatanong nila ako kung ano raw ba ang madalas nating pinagtatalunan,
Akala kasi nila'y tungkol sa ibang babae't ibang lalaki ang dahilan.
Pero ang totoo'y ugali lang talaga natin minsan ay di nagkakasundo't nagkakaunawaan.

Ngunit ewan ko ba!
Ito nama'y hindi natin talaga sadya,
At nagamamahalan naman tayong dal'wa.
Pero bakit pa't pagtatalunan pa natin ang mga bagay na wala namang kakwenta-kwenta.
Para saan pa?

A! Oo nga pala...
Marahil ito'y nangyari para maitama rin natin yung mga mali...
Mga mali nating pag-uugali.
At upang sa ating relasyon, may matutunan tayong mga leksyon.

Ngayo'y magtatatlong taon na tayo't halos parang kilala na natin talaga ang isa't isa.
Maging yung mga itinatagong baho't sekreto nati'y nailalantad na.

Di ba't wala naman kasing relasyong perpekto??
Lahat kasi sinusubok tayo,
Kung tayo bay aabot hanggang dulo.

Ngunit sa ating dalwa'y wala talagang nakakaalam kung tayo ba'y hanggang saan,
At kung ano pa ba ang maaari nating kahihitnan.
Pero ang masasabi ko'y DIYOS lang ang tanging nakakaalam kung ano ang ating kahahantungan.

Pero sigurado ako,
Sigurado akong marami pang iyakan at tawanan tayong mararanasan.
Pero kahit ano man yan,
Basta't ika'y kapiling ko't ika'y nariyan,
Walang di makakayanan.

Kaya sinta'y tandaan mo,
Ika'y sa'kin at ako'y iyo,
At sobrang mahal na mahal kitang totoo,
Kaya't wala sana ni isa sa ati'y maglililo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

JUST A THOUGHT 😳Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon