"Candice, ilakad mo naman ako kay James."
"Candice, tulungan mo naman ako kay Rick."
"Candice, regards mo ako kay crush ah? Salamat."
Pagpasok ko pa lang ng classroom ay yan na ang bungad sakin ng mga kaklase ko.
"Sure."
Yan naman ang lagi kong sagot sa kanila. Hindi naman mahirap gawin yung mga request nila kasi hindi naman ako ilang sa mga lalake. I have the guts na humarap at lumapit sa mga lalakeng crush nila.
Ewan ko ba, ipinanganak na ata akong makapal ang mukha.
Fortunately, lahat ng tinutulungan ko ay nagkakadevelopan at nagkakatuluyan. Hindi ko alam kung kailan nagstart ito, ang pagiging isang TULAY ko basta ang alam ko, ako ang dahilan kung bakit maraming lovers sa school. Sumikat tuloy ako dahil dito at pati mga teachers ko na nawalan na ng pag-asang magkalovelife ay nagpapatulong na rin sa akin.
Sa totoo lang enjoy maging TULAY, bakit?
Kasi nakatulong ka na, nabigyan mo pa sila ng pagkakataong maramdaman ang salitang Pag-ibig. Oh diba?
"Sab, may date kami ni Sid mamaya. Thanks ah? Kung hindi dahil sa iyo, 'di ko siya magiging boyfriend."
Siya si Alice, ang best friend ko at latest kong tinulungan na maramdaman ang salitang Pag-ibig.
Matagal niya ng gusto si Sid, ang schoolmate at long time crush niya since first year high school kaso nahihiya siyang umamin dito kaya nang tumuntong na kami ng Fourth year high school ay hindi na ako nagdalawang isip na tulungan siya para mapalapit kay Sid.
After 2 weeks na pag-stalk kay Sid ay nalaman kong may gusto rin pala itong lalaking ito kay Alice, natotorpe lang umamin. Kaya ayun, walang hirap na napa-amin ko ang isa't-isa. Paano?
SECRET!
Inayos ko muna yung dala kong gamit sa table ko bago siya hinarap.
"Ano ka ba? Anong dahil sakin? Dahil sa inyong dalawa kamo. Pareho kayong may gusto sa isa't isa kaya 100% na posibleng maging kayo." sabi ko.
"Basta, Thanks talaga." Sabi niya at kinikilig na yumakap sa akin. Ang saya ng bruha. Siyempre, niyakap ko din siya in return.
Sa wakas may lovelife na ang bestfriend ko at ngayon ay ang first monthsarry nila. Eh ako kaya? Kailan magkakaroon? Asa pa ako noh.
"Candice, may naghahanap sayo."
Napalingon kami ni Alice sa nagsalita.
Si Austin, classmate at seatmate ko. Halatang kararating lang. Fresh na fresh pa ang itsura.
"Sino?" Tanong ko sa kanya.
"Ako." Mabilis niyang sagot. Napakunot-noo ako. Siya?
"Sab, balik na ako sa upuan ko. Usap nalang tayo mamaya." Paalam sa akin ni Alice at bumalik na sa kanyang upuan sa may bandang harapan. Tumango nalang ako bilang tugon. Ibinalik ko ulit yung atensyon ko kay Austin.
"Bakit mo ako hinahanap?"
Naglakad siya at umupo na sa upuan niya.
"Naniwala ka naman? Pinaalis ko lang si Alice sa upuan ko. Gusto ko ng umupo eh tsaka-- Araaay!"
BINABASA MO ANG
Introducing You and Me
Teen FictionMeet Candice, ang babaeng walang ginawa kundi ang tumulong sa ibang tao na magkalove-life. Meet Austin, ang lalakeng walang ginawa kundi ang maging asungot kay Candice. Sa pamamagitan ng hindi inaasahang pagkakataon, sila ay magkakalapit. Paano? ...