Medyo SPG!!! Kaya mga bata Sikwat na! Magagalit Mama nyo! HAHAHAHA!
-Nellaine's POV-
Masaya akong kinukuhanan sya ng litrato.
Masaya akong titigan ang mukha nya sa bawat kuha ko.
Sa bawat litratong iyon ay nakikita ko ang nakangiting sya.
Dahil sa likod ng matatamis na ngiti nyang iyon ay nakatago ang puot at galit nya sa akin.
Na sa tuwing wala sya sa harap ng camera ay halos patayin nya na ako.
Kaya ang mga litratong ito ang panandaliang nagbibigay sa akin ng kasiyahan sa kabila ng mala-bangungot kong buhay.
*Boogsh*
Narinig kong nagbagsakan ang mga kaldero mula sa kusina.
Patay.
Hindi pa pala ako nakakapagluto ng hapunan.
Dali-dali akong tumakbo papunta sa kusina.
Sinalubong ako ng lumilipad na takip ng kaldero pero nakaiwas ako kaya sa paa ko lang iyon tumama.
"Alam mong pagod ako dahil madame akong photoshoot na pinuntahan tapos pagdating ko dito wala pang hapunan? Ano bang inaatupag mo? Tinititigan mo nanaman ba yung mga litrato ng ibang mga model na lalaki dyan sa camera mo huh?" Sigaw nya habang hila-hila yung buhok ko.
"L-luhan, nasasaktan ako. Please, bitawan mo yung buhok ko." Pagmamakaawa ko sa kanya.
Binitawan nya nga ito pero hinila nya muna ito ng napaka lakas kaya tumama ang ulo ko sa pader.
"AHH!" Pag-iyak ko dahil sa sobrang sakit.
"Bagay lang yan sayo dahil napaka landi mo. Hindi ka na nakuntento pa sa akin at halos lahat ng mga model mo ay nilalandi mo! Kunsabay dun din naman tayo nagsimula. Naging model mo ko at dahil nga malandi ka ay inakit mo ko kaya hindi na ako magtataka kung gagawin mo rin yun sa iba." Galit na galit na sigaw nya sa akin.
Oo, naging model ko si Luhan noon bago ko sya naging karelasyon.
Photographer ako sa isang magazine na mga lalaki lamang ang ginagawang modelo.
Doon ko sya nakilala pero hindi totoong nilandi ko sya.
Naging malapit na magkaibigan kami hanggang sa inamin nyang may nararamdaman sya para sa akin.
Di nagtagal ay nahulog na rin ang loob ko para sa kanya.
Naging kami.
Habang kami ay di naiwasang may mangyari sa amin.
Inaya nya akong magpakasal kahit hindi naman ako buntis.
Nang makasal kami ay naging maayos naman ang pagsasama namin ngunit makalipas ang ilang buwan ay nagbago ang pakikitungo nya sa akin.
Lagi syang galit sa tuwing uuwi ako galing trabaho.
Parati nya akong inaakusahan na may karelasyong iba.
Nakikita nya raw kung paano ko landiin ang ibang mga modelo sa kumpanya.
Lalo pang tumindi and galit nya noong minsan ay nakita nya akong tinitignan yung litrato ng isang model sa camera ko.
Tinitignan ko kung may mali ba sa kuha ko dahil hindi na nagugutuhan ng boss ko ang mga litratong kuha ko.
Dahil doon ay nagsimula na syang saktan ako.
Palagi pa ay pinipilit nya akong makipagtalik sa kanya.
Hindi naman ako makatanggi dahil lalo lamang akong masasaktan.
BINABASA MO ANG
One Last shot(Exo Luhan One-Shot Fanfic)
Fanfiction"Para sayo lang ang mga mata ko Luhan. Para sayo lang." Nellaine