Veronica POV.
'Truth or Dare' tanong saakin ni Athena, ito na ata ito na ata yung pagkakataon para umamin ako, kaso natatakot ako na umamin lalo na sa harap nilang lahat.kakayanin ko'to kasi antagal kuna to tinago sa tagal nun kaya ko ngang itago sakanila e,Ngayon ngayon handa na ako.
'T-t-ruth' sagot ko ng utal dahil kinakabahan padin ako nuh,'sino crush mo?' Tanong saakin ni athena ng SERYOSO yung mukha nya anyare dito?
'S-S-s-si francis' utal kong sagot habang nakatingin lng kay francis, ''omayghad?' Sabi naman ni Adrienna, 'Matagal kona tinago sainyo, kasi mahal kita Adrienna ayaw ko naman na agawin sayo si francis ayaw ko na maging magkaaway tayo kasi mahal kita,Kaibigan kita e kaya ayun tinago ko nalang ngayon lng ako nakaamin kasi antagal ko ng tinago sainyo,Baka mas lalong tumagal mas lalong magalit kayo' sabi ko,'Kbye' sagot ni adrienna,Huhuh.
Umalis ako at pumunta sa malayo sakanila. Nahihiya na ako, antanga ko kasi e bat pa ba ako nag kagusto sa lalakeng yon e alam ko nman na iba na yung mahal at ang masakit pa yung kaibigan ko yon, Kinaya ko yon kasi hindi e hindi ko kayang hindi magkagusto sakanya kahit alam kong mali ginawa ko padin antangatanga ko!
Tumulo mga luha ko,Pano na to? Pano na yung pagiging magkaibigan namin ni adrienna baka tuluyan ng masira,Hindi ko alam kung pano ibalik alam kong pagbinalik mo yon ay masasaktan ka lng pero gusto ko gusto kong bumalik sa pagiging magkaibigan namin, Patuloy na bumabalik sa isip ko yung mga araw na ansaya namin ni adrienna yung araw na nakausap ko sya na todo yung tawa namin, Patuloy padin tumutulo ang luha ko ng may maramdaman ako tumabi saakin, 'Veronica okay lng yan' sabi ni francis 'antanga ko e bat pa ba ako umamin bat ko pa sinabi Tangna ang tanga tanga ko!'sabi ko, 'Hindi kanaman tanga e.mapapatawad kadin nun ni adrienna hindi nga lang sa ngayon baka later or sooner,basta hintayin nlng natin yung araw na patawadin ka nya' sabi ni francis tsaka niyakap nya ako ng mahigpit ewan ko ba pero tumulo padin luha ko
'Hindi hinding hindi kita mapapatawad' sabi nung nasa likod namin, Pagtingin namin si adrienna,omyghad! 'Bat ba niyakap mo yan ano may gusto ka din dyan? Ha magsabi naman kayo ng maaga para malaman ko at ng hindi na ako magpakatanga para hindi na ako masaktan' sabi ni adrienna habang umiiyak 'Hindi niyakap ko lng sya kasi,' sabi ni francis ' kasi ano kasi anoooo!?wag kana ngang magdahilan pa dyan tss! Ayw kona magpakatangaaaa!' Sabi ni adrienna,
'Niyakap ko sya kasi naaawa ako e'sabi ni francis 'Naaawa ka pala edi kayo na saluhin mo sya kasi nafall sya sayo,Masakit ma fall kung hindi mo sasaluhin yung taong na fall sayo' sabi ni adrienna ng seryoso 'Hindi ko sya sasaluhin kasi ikaw ang mahal ko' sagot ni francis,'Tama na Rafael tama na! Ayaw ko na suko na ako,Pasensya na ha nagalit ako ng walang dahilan, Nagselos kasi ako nung niyakap mo sya ang masakit pa don ay hindi hindi mo alam na nagselos ako!' Sabi ni adrienna, tsaka umalis sya pero bago sya umalis lumapit sya saakin at may sinabi 'ingatan mo sya ha,ingatan mo yung minahal ko dati' sabi ni adrienna,pinunasan nya yung mata nya tsaka umalis na sya.
BINABASA MO ANG
The Good Girl Fell in Love with a Basketball Player
Fiksi Remajalsang girl na tinamaan talaga sa isang magaling na basketball player na kaibigan lang ang turing sakanya,Pero totoo kayang kaibigan lang?O baka naman natakot lang yung lalake? May magkakagusto din sakanya na malapit sakanya,Pero?magustuhan din kaya...