Simula

23 2 0
                                    

Endless

Eleven years ago...

"Courtney Laiza Delza!" Umakyat ako sa entablado matapos tawagin ng Master of Ceremony ang pangalan ko. Mangiti-ngiti niya akong tiningnan habang nasa entablado ako para bigyang parangal.

Pumalakpak ang mga taong dumalo sa graduation day namin matapos akong pinarangalan bilang class valedictorian. Sumunod sina Mommy at Daddy sa akin paakyat sa entablado at sila rin ang nagsabit ng aking mga medalya. Proudness on each of their faces are evident.

"Congratulations baby." Maluha-luhang sambit ni Mommy na nagmistulang isang diwata sa suot niyang long gown na kulay silver na may slit sa gilid. She looks like a goddess, actually. I smiled at the gorgeousness of my mom.

"Congratulations Courtney." Si Daddy naman ang nagsalita. Pormal ang suot ni Daddy. Naka black tux siya at puting long sleeve naman ang nasa looban nito paired with slacks.

"Thanks Mom, thanks Dad." Sabi ko sabay yakap sa kanila. I'm really happy that I have them as my parents. No, not happy, but overwhelmed.

"We're so proud of you anak." Si Mommy na umiiyak na talaga ngayon.

"Stop crying Mom. Baka masira pa 'yang make up mo oh." Sabi ko sabay tawa kahit naiiyak narin ako. I'm touched by what they'd said.

"Masira man itong make up ko, I'm still beautiful." Nagawa pang magbiro ni mommy kahit umiiyak na siya. Mas lalo tuloy akong natawa sa kaniya.

Pero sa totoo lang, maganda naman talaga si mommy at hindi iyon maitatanggi sa suot niya palang ngayon. Para siyang goddess na bumaba galing sa kalangitan. And of course, I'm her second version.

"And that's also the reason why I'm pretty kasi nagmana ako sayo Mom." Sinakyan ko naman ang biro niya kahit naluluha na ako.

Ngumiti lang si Mommy sa akin at niyakap ulit ako. Daddy hugged me too. Niyakap ko rin sila ng mas mahigpit. It felt nostalgic to be in their arms. In the arms of my parents who were always there for me. I'm indeed blessed, actually. To have them as my family. To have them as my parents, it really is a great blessing for me and I'm really grateful for it.

Tinanggap ko pa ang ibang awards at nag-pose ako sa harap ng camera para sa picture taking kasama ang parents ko bago kami tuluyang bumaba sa entablado.

Madali lang natapos yung programme pero na enjoy pa rin namin. May sense of humor kasi yung naging speaker namin kaya 'di kami na bored. Marami rin akong natutunan galing sa speech ng speaker. Isa na dun ay yung sinabi niyang, "As long as we are still breathing, make the best in everything towards life."

At nang matapos ang na ang programme, hindi na muna kami umuwi sa bahay. Actually, nandito ako ngayon sa may bench naka-upo habang hinihintay sina Mommy at Daddy na nakikipag-usap at nakikipagkumustahan pa sa iilang kakilala. Yung iba ay business partners ata nila. Ayaw ko rin namang pilitin sina Mommy na umuwi na. Besides, gusto ko pang makita yung crush ko. Ultimate crush to be exact.

"Courtney!" Narinig ko ang isang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko.

I turn around to see the smiling face of my one and only best friend na si Faye Keena Debiz. I smiled widely at her.

She looks stunning in her silvered-purple dress na suot paired with a purple stiletto. Plus, her make up matches everything that she's wearing right now. Naka-toga kasi kami kanina during our graduation, pero in my case na medyo naiinitan na, hinubad ko na pagkatapos. And I can see na hinubad na rin ni Faye ang sa kanya. Merong iba na naka-toga parin but mostly ay naka-dress na.
Tumayo ako sa kina-uupuan ko at sinalubong siya ng yakap. Niyakap niya rin ako. Siya ang unang bumitiw sa yakapan namin.

Endless Life With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon