Kabanata 1

18 2 0
                                    

Hanggang ngayon, naiisip ko parin ang nangyari eleven years ago, back when I'm still in grade six. Presko parin sa aking isipan ang kaniyang ginawang pagpapahiya sa akin noon. I really thanked God na sa U.S. na ako nagpatuloy sa pag-aaral.

"Hey Courtney!" Nilingon ko si Jake pagkatapos kong lagukin ng one shot ang hard liquor sa harap.

Jake Dev Zuares. Siya ay matagal ko ng manliligaw pero hindi ko siya sinagot. I always told him that I'm not yet ready for such relationship but he's too eager so I just let him court me. Sa totoo lang, hindi pa ako kailanman naka-move on sa lahat ng nangyari noon. Sariwa pa iyon lahat sa akin ngayon. At ayaw ko ring pumasok sa isang relasyong wala ring kasiguraduhan. Lalo na't hindi pa ako kailanman naka-move on.

"Hey." Tanging nasabi ko lang. I can see that he's almost drunk.

Nandito kami ngayon sa isang eksklusibong bar na pagmamay-ari ng Tito ni Jake. Noong nakaraang buwan pa ito natapos itayo at noong nakaraang linggo pa ito na fully furnished. Kaya heto ako ngayon at inimbitahan niya sa grand opening ng Debiz's Bar Lone or other known as "DBL".

"Kanina ka pa d'yan sa couch ah. Sayaw naman tayo! Wooooahhh!" Hyper na sabi ni Jake. Lasing na talaga ata ang isang 'to.

"I have work for tomorrow Jake. Tsaka, wala ako sa mood sumayaw."

"Tsk. Sayaw lang naman eh. C'mon Courtney." Namumungay na mga mata ang kaniyang isinalubong sa akin.

"Mamaya na. Dito na muna-" Di ko na natapos ang sasabihin dahil hinigit na ako ni Jake sa dance floor. Nagpati-anod na lang ako sa kanya.

"Dun lang ako sa couch!" Sigaw ko kay Jake nang nakarating na kami sa gitna ng dancefloor kahit hindi n'ya naman naririnig dahil sa ingay ng trance music sa loob ng bar.

Nagsimula na niya akong isayaw habang pinatugtog ang isang wild music. Natawa na lang ako sa kanya. Unti-unti ng dumami ang mga taong nagsasayawan sa dance floor kaya't hindi ko na siya makita. Hinanap ko siya sa kaniyang pinagsasayawan kanina ngunit mas dumami na ang mga tao. Sana hindi niya na lang ako hinila dito kung mawawala rin lang naman siya.

Naisip kong bumalik na lang sa couch but since nandito na rin naman ako, pauunlakan ko na lang ang pagsasayaw. I think I'm gonna enjoy this dance, anyway.

Naging malumanay ang musika ganun rin ang kilos ng nagsasayawan. Patuloy ako sa aking pagsasayaw nang may bigla akong naramdamang sumayaw sa aking likuran.

There's something in the way he danced. Hindi ako gumalaw. Pinakiramdaman ko lang ang kaniyang pagsayaw sa likuran ko. Bigla ko na lang naramdaman ang kaniyang kamay sa aking baywang. I stiffened at that.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw. Inilakbay niya ang kaniyang kamay sa aking baywang patungo sa aking tiyan. Nang hinaplos niya ito ay doon lamang ako nata-uhan. Hinarap ko siya at nang akto ko na sanang siyang sasampalin, bigla na lang akong natigilan nang makita ko kung sino ang kaharap ko.

No way! Hindi siya to. It's been eleven years! There's no way that this man in front of me is him. But then, I realized na maliit lang talaga ang mundo na aming ginagalawan kung kaya't nagkita kami dito. Pero bakit? Ba't kami pinagtagpo. I mean, after all those years, hindi ko inakalang magkikita pa kami.

Sa suot niyang pulang polo shirt na nagmistulang maroon ng dahil sa lights ng bar, paired with faded pants, para siyang modelo na nakatayo sa harap ko. Plus the messy hair he had right now. Wala parin siyang pinagbago. Ang angas niya parin. Kung meron man siyang pinagbago, iyon ay ang mas gumwapo pa siyang tingnan.

Nawala ako sa aking iniisip nang bigla siyang tumikhim. Napabaling ako sa kanya at tinignan siya ng diretso sa mata.
Tinitigan ko siya and I saw him smirked. Nang napansin kong tumaas ang isang sulok ng kaniyang labi, naalala ko ang kaniyang ginawa sa akin kanina.

Endless Life With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon