Hindi ko alintana ang malakas na ulan na bumabagsak sa kinatatayuan ko, ang importante ay maisulat ko ito.Wala sa silong, ni wala ring payong. Nakaupo ako sa gitna ng kalsada kasama ang malakas na pag-bagsak ng ulan.
Nakapagtatakang makita ang liwanag ng buwan kahit umuulan. Tumingala ako at tahimik na humihikbi.
"Eto na. Panalo kana. Babalik nako. Pabalikin mo lamang siya.." Mula sa pagkakaupo at tumayo ako. Kumuha ng panulat at ang isang hindi ordinaryong papel. Tila hindi natitinag ang papel sa lakas ng ulan dahil hindi ito nababasa. Sinulat ko ang..
'Babalik na ako. Pabalikin mo lamang siya..'
Muli akong tumingala at nilamukos ang papel..
"Gusto ko mang manatili ay hindi pwede. Pinapalaya na din kita.." Hindi ko na namalayan na nabitawan ko na ang nilsmukos na papel.
Napatingin ako sa mga palad ko..parang lumalabo at nagiging transparent ako. Hindi ko na napigilang humagulgol at mapaupo na lamang muli habang ang mga palad ay nasa mukha.
"H-Hindi kita makakalimutan. M-Mahal kita, paalam."
•••••
Sensya na, wala pang book cover.