Chapter 3

9 1 0
                                    

Marcus' POV

"Uy Marcus!--"

"Anong Marcus ka dyan! Kuya moko! Konting respeto naman!" sabi ko kay Mary. Nagiisa kong kapatid na babae.

"Ay sorry na kuya, nabigla lang. Si Mama kasi kanina pa Marcus nang Marcus don sa labas dimo marinig!"

"Ganon ba? Wait. Puntahan ko lang po Madam!" inirapan ko siya. Ganito naman kami lagi e. Taray tarayan sa isa't-isa.

Tumayo ako sa pagkakaupo sa study table ko at pumunta sa likod ng bahay para puntahan si Mama.

Pag labas ko, bumugad agad si Mama at bigla akong piningot!

"A-Araaaayy! Ma naman eh! Ahh!" napapa-pikit pako sa sakit. Ang lakas kaya!

"Kanina pa kita tinatawag na bata ka! Wala ka bang naririnig? huh?!"

"Sorry na Mama! Dalii Sorry naaa." laking pasalamat ko nang bitawan niya ang tenga ko. Hinimas himas ko yung tenga ko at feeling ko nagiinit sa sakit. Si mama talaga, hays.

"Sabi mo kahapon sakin magtatanim ka dito ng bagong bulaklak?" biglang umamo ang mukha ni Mama. Tsk. Si mama talaga oh.

Naisip kong biruin si Mama.

"May sinabi bako Ma? Parang wala akong matandaan hmm.." humawak pako sa baba kunwari nag-iisip.

"Aba talagang batang to, halika dito at pipingutin ulit kita!" biglang nagbago ang mukha ni Mama at pasugod na sakin. Agad ko namang binawi ang sinabi ko.

"Uy si Mama talaga, Joke lang yun. Yiee~ Bati na tayo."

"Ipagtanim mo muna ako ng bulaklak. Yung bago!"

"Sige na nga po." naglakad ako palabas ng bahay.

"Oh san ka pupunta?" tanong niya nang makita niya kong lalabas.

"Bibili po."

"Ng ano?"

"Bahay, Ma." ngisi ko.

"Talagang batang ito!" tumakbo papunta sakin si Mama kaya kumaripas din ako ng takbo papalabas. Pupunta ko sa Flower shop. Bibili ako ng mga buto.

Nang makarating ako sa flower shop, nanibago ako kasi bago lahat ng bulaklak dito. Nakakapagtaka din kasi usually, maraming tao dito pero ngayon ako lang ata ang nandito. Malaki ang shop kaya naglibot-libot muna ako. Di naman ako mahilig sa bulaklak pero biglang nagkaron ng kakaibang aura yung shop at mga bulaklak na parang gustong may ipakita sakin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Wala namang intresting dito pero bakit patuloy ako sa paglalakad? Bakit parang may kailangan akong makita, bukod sa pagsayaw ng mga bulaklak dahil sa preskong hangin.

Hanggang sa nakarating ako sa dulo..

Parang biglang bumagal ang paglakad ko, bumagal ang paghangin, bumagal ang pagsayaw ng mga bulaklak, tila bumagal ang ikot ng mundo..

Pero isa lang ang nagpatuloy sa pagtakbo, ang puso ko..

Tila tumigil ang mundo ko na hindi ko maintindihan ng makita ko ang isang babaeng inosenteng tumitingin sa mga bulaklak. Na para bang bago sa kanya ang nakikita. Hindi niya alintana ang pagtama ng kanyang buhok sa mukha dala ng hangin.

Muling bumalik sa dati ang mundo ko ng lumingon siya sakin. Biglang napaayos ako ng tayo dahil sa gulat at dahil biglang tumalim ang tingin niya sakin. Na tila ba may nagawa akong masama sa kanya. Kung kanina, napaka-amo at inosente ng mukha niya, ngayon mukha siyang tigreng handang sumugod at lapain ako.

Lumapit ako sa kanya. Pero unang hakbang ko palang, umatras na siya at nananatiling matalim ang titig sakin. Nangunot ang noo ko dahil wala naman akong ginagawa sa kanya. Isa pa, hindi ko naman siya kilala.

Humakbang uli ako, "Miss--" biglang siyang tumakbo palabas ng shop. Hindi ko alam pero sinundan ko siya.
Tumakbo din ako palabas ng Shop. Pero wala. Hindi ko na inabutan.

Bumalik ako sa loob at bumili ng buto ng bulaklak para kay Mama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In Our HandsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon