Lahat ata tayo may hinahangaan
Lahat tayo may nagugustuhan
Lahat tayo may crush.
Alien ka siguro kapag wala king crush.
Ako si lay Sarmiento. 10 years.. Hindi yung edad kundi 10 years nakong nagmamahal ng tahimik at 10 years ng nasasaktan. Siguro routine kona kada araw ang sulyapan siya sa coridor at mag cr pero sasaylahan lamang siya.
Sa 10 years Kong pagkakagusto sa kanya never niya Kong napansin ni lingon or tingin man lang.
Siguro dahil sa istura ko. Pero kahit ganun fighting lang!
"Lay sama ka mamaya?" Lumapit sakin si jenny. Isa sa mga kaklase ko. Inayos ko muna ang aking salamin bago sumagot.
"Ahmm. Kase.."
"Ano ba ang kj mo naman minsan lang birthday naman ni troy " pinilit na nila ako kaya wala akong nagawa.
Sa 18 years of existence ko sa mundong ito wala pa atang nagmamahal sa akin pabalik.
Nakakalungkot isipin pero Hindi lang naman ako nag-iisa sa mundong ito marami kami pero kahit ganon laban parin para mapansin.
Natry ko na ngang maging ala stalker sa kung saan siya mag punta dun ako. Kahit na minsan masakit kase makikita ko siyang may kasamang magagandang babae para akong pinanghihinaan ng loob. Sino ba naman ako para mangarap sa isang tulad niya.
One time nakita ko kung paano niya baliwalain yung ginawa kong cake sa kanya. Tinapon niya lang naman ito sa basurahan. Ansakit lang isipin naka sampung ulit ako dun para lang maperfect iyon magkanda paso paso na nga ako.
One time nung pinicturan ko siya ng palihim ilalagay ko sana sa scrap book ko kaso nahuli niya ako ng napansin niya yung flashlight ng cam ko. Abot ng tahip ng aking puso nung lumapit siya amoy na amoy ko pa ang mabango niyang amoy.
"Akin nayang camera mo " this is the first time na kausapin niya ako. Dahan dahan kong inabot ang camera ko manginig nginig pako
"A-anong gagawin mo " nakita kong may pinindot siya pagkatapos tinalikuran nako.
"Ayaw ko sa lahat ang kinukuhanan ako ng larawan lalo na isang katulad mong Panget " tumatak sa isipin koyung sinabi niyang iyan ilang balde ng luha ang inilabas ko. Ansakit niyang magsalita aminado ako pangit at baduy ako pero kailangan bang ipamukha sa akin iyon. Ilang linggo akong umabsent sa sobrang HB. One time nagising nalang ako bigla at napatingin sa sarili ko. Kita ko kung gaano kalaki yung eye bag ko at mugtong mugto.
"Simula ngayon hindi na si lay ang makikita niyo kundi ang bagong lay. Hindi ang dating inaasar asar at binubully niyo lang " agad Kong pinunasan ang lumandas na luha sa aking mata.
Simula non nagbago ako simula ulo hanggang paa. Pumasok uli ako ng school namin kase gusto Kong makahabol ng lessons namin ilang linggo din yung nalaktawan ko. Isang grading nalang goodbye highschool nako. .
Pagpasok ko ng school Hindi nako nanibago dahil lagi akong pinagtitinginan noon dahil sa suot Kong loose shirt mahabang skirt at with matching books na makakapal at ang eye glass ko kasama ang magulo kong buhok pero iba na ngayon. Ngayon makikita nila ang bagong ako. Ang bagong lay..
Pagpasok ko ng room namin. Hindi nila agad akong nakilala.
"L-lay?" Tanong ni jenny. Ngumiti lang ako
"Lay ikaw nga!? Bakit ngayon kolang pumasok" sabay akap niya sakin ng mahigpit Hindi ko na idinetalye lahat kung bakit ako nagbago.
Lahat ata sila Hindi ako nakilala agad pati ang aming teacher Hindi agad ako nakilala. Ganun ba ka grabe ang aking pinagbago.