Untouchable

19 0 0
                                    

"In the middle of the night when I'm in this dream
It's like a million little stars spelling out your name
You got to come on, come on, say that we'll be together
Come on, come on, little taste of heaven."

Sa lahat ng bagay, siya nakikita ko. Saan ako magpunta, feeling ko kasama ko siya. Tuwing may kausap ako, iniimagine ko siya nasa harap ko. Habang natutulog ako, siya panaginip ko.

Err... baliw na ba ako?

Nahuhulog ako sa taong untouchable. Hindi ko man lang mahawakan. Hindi ko makausap ng maayos. Hindi ko matabihan sa room namin. Nahihiya pa akong lumapit at kausapin siya lalo na 'pag may groupings.

Everytime sa room, nagnanakaw ako ng tingin sa kanya. Tapos 'pag titingin siya sakin, iiiwas ko agad paningin ko. Kada subject titingin talaga ako sa kanya tapos ayon babalik na sa dating upuan. Hindi naman ako halata. Sinasarili ko lahat ng nararamdaman ko. Wala pa akong masyadong mapagkakatiwalaan. Tsaka masarap magmahal ng tao lalo na 'pag ikaw lang nakakaalam kasi alam mo kung saan ka lulugar. Walang mang-aasar sayo na nagiging dahilan ng pag-amin tapos wala ng chance. Maswerte yung iba pero ako talo na sa simula pa lang kasi may gusto na siyang iba. I'm happy for him kahit nasasaktan na ako.

Dear Crush,

Stars are forming out your name. Tuwing gabi, titingala ako sa langit tapos pagkokonektahin ko mga stars hanggang sa mag-form 'to ng pangalan mo. Best time pa mga yung 10:30 kasi saktong-sakto. Yung constellation na yon pinangalan ko pa sayo at para sayo lang yon. Ganon na siguro kita kagusto na gagawin ko lahat mabili ko lang sa NASA ang constellation na gawa-gawa ko lang kahit na wala akong pera talaga.

Sa totoo lang, ang tanga ko. Alam ko na ngang may gusto kang iba pero ikaw pa rin ang gusto ko. Palagi na lang. Kahit na pinipilit ko ang sarili kong magkagusto sa iba, ikaw pa rin talaga. Di bale na at lilipas din siguro 'to. Grade 9 pa naman ako at makakahanap rin ako ng ibang magugustuhan. Err... kailan kaya?

T.S. kailan?

-J

My T.S. Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon