Dear Crush,
Heto na naman ako nagpupuyat. Patulugin mo na ako. Chat mo ako tapos sabihin mong matulog ka na kasi gabing-gabi na. Hindi mo ba kayang gawin yon? Hindi ba halatang online ako? Siguro siya na naman ka-chat mo.
Well may purpose naman yung pagpupuyat ko. Pinaplano ko lang yung para sa future natin haha joke lang. Nagpupuyat ako kasi nag-aaral pa ako. Gumagawa ako ng articles at the same time nagrereview na rin. Ikaw? Anong ginagawa mo? Naglalaro ka na naman siguro. Itigil mo na yan. Kahit na anong level ka pa sa nilalaro mo, mas angat pa rin ako. Lol!
Sige na. Goodnight! See you tomorrow.
-J