COLLIDE
----------
Date Started: June 11, 2014 (PROLOGUE)
Date Finished: XXXXXBy: SkySparkle
----------
Prologue
Everything is normal not until that day came. Where the mortal world and underworld collide.
----------
"Hey Zen! Alam mo bang may underworld?" biglang tanong ni Ashley Aaralyn (Air-ra-lin) Oswald sakanyang kaibigan na si Zenairah Blaire Cyprus.
Nasa classroom na sila habang inaayos na ang gamit nila, naghahandang umuwi nang sabihin ni Ashley yun.
"Ano nanaman ba ang nakain mo at ganyan ang topic na pinaguusapan naten?" bored na sagot ni Zenairah o Zen.
"Haha meron naman talaga eh," pilit ni Ashley at umupo pa sa table ni Zen.
"Edi meron. Among gusto mong gawin ko? Pumunta dun?" sagot ni Zen sakanya habang nakataas ang isa niyang kilay at huminto din siya sa pag aayos.
"As if! Yung mga may kapangyarihan lang ang pwedeng pumunto dun unless makahanap tayo ng portal," sabay wink ni Ashley.
"Yeah right. Tara na nga!" at naglakad na paalis si Zen na naging dahilan ng pagmamadali ni Ashley upang makahabol sa kaibigan.
"Tara gala muna tayo dun sa forest. Friday naman eh," yaya ni Ashley.
"Ge," at tinahak nila ang daan papuntang forest na nakapalibot sakanilang lugar.
"Ano kaya ang feeling ng may kapangyarihan?" biglang tanong ni Ashley habang nagtitingin sila ng mga halaman.
"Ewan. Baka masaya? But seriously Ash, kanina pa yang powers powers na y--- AH!" dahil sa sanga na di napansin ni Zen habang nagsasalita, nadapa tuloy ang dalaga.
"Haha ang lampa mo talag--- OH My! LOOK! LOOK! Tignan mo yung kweba! Parang may something!" nagtatalon si Ashley at kumaripas ng takbo papunta sa nasabing kweba, iniwan si Zen na nakadapa.
"WAIT LANG!" sigaw ni Zen at dali daling tumayo at kahit na nahihirapan, ay tumakbo papunta kay Ashley.
"Tara pasok tayo!" excited na aya ni Ashley kaso umiling si Zen bilang sagot.
"Bukas na lang. Gabi na din eh," sagot ni Zen na sinag-ayunan na lang ni Ash.
"Promise bukas ah?"
"Oo nga,"
Sa kabilang dako naman...
"Hey! Naniniwala kayo na may mortal world?" tanong ni Cashel Flynn Andreasen (anne-dray-sen) sa kaibigan niya na sina Nathan Blaise Sage at Lennox Serge Hynason. Habang lumilipad silang pauwi.
"Meron naman talaga nun," sabi ni Len kay Flynn.
"Tologo? Totoo ba yun Fafa Blaise?" arteng bakla ni Flynn kay Blaise na naka poker face.
"Sa tingin mo? At tigil tigilan mo nga yan, mukha kang ewan," inis na sabi ni Blaise kay Flynn and Flynn gave a annoying smirk at Blaise as a reply.
"Anyway natanong niyo naba sa sarili niyo kung anong feeling na walang kapangyarihan?" curious na tanong nanaman ni Flynn sakanila.
"Hindi, ayaw ko maranasan. At napapano ka niyan ha? Nagpapaka-sentimental ka diyan?" bored na sagot ni Len. Tinawanan lang siya ni Flynn at di sila pinansin ni Blaise.
"Well gentlemen since curious kayo with the sudden talk, dahil lang naman naka-discover ako ng portal papunta mortal world! Ano G ba tayo mga paps?" balita ni Flynn sa dalawa niyang kaibigan at binigyan siya ng dalawa ng tingin na hindi naniniwala sa pinagsasasabi niya.
"Seryoso ako, ayun na nga oh. Kita niyo?" turo niya sa gitna ng gubat at sa ilalim nila may kumikinang ng kweba.
"Nice one Flynn, akala ko nababakla kana kaya kung ano-ano pinagsasasabi mo pero bukas na lang dahil ang minamahal nating kaibigan na si Blaise ay nauna nang umuwi ay iniwan na po tayi," gaya ng sinabi ni Len ay iniwan na nga sila ni Blaise.
"Bwisit talaga yun, bukas na lang nga," at tinahak na ng dalawa ang daan pauwi.
----------
They didn't know na sa pangalawang gising nila bukas ay mangyayari ang pagsasama.
----------
Edited: April 10, 2015
May 11, 2018xoxo
BINABASA MO ANG
Collide
FantasyWhat will happen if the mortal world and the under world where magic exist, collide? --- Everything thing is fine until that day came, where mortal world and under world collided ---