PROLOGUE

920 20 6
                                    

* P R O L O G U E *


Mahal ko siya kaya ko siya binitawan. Diba gano'n naman talaga ang pagmamahal? Talagang mag-sasakripisyo ka para sa kapakanan ng iba? Para sa kapakanan ng nakakarami. Para sa iba pa niyang mahal. At para sa taong nakakahigit pa sa'yo. Hindi kita binitawan dahil hindi na kita mahal o may iba na akong mahal. Binitawan kita dahil mahal na mahal kita. Because love was not the answer to every question. Because real love meant sacrifice. And sometimes love means letting go. And sana sa pagbalik ko, ako pa rin ang laman ng puso mo.

-Samantha Nicole Villarez


Mahal mo ako? Bakit mo ako pinahirapan ng ganito? Bakit ayaw mo akong kausapin sa 'twing nagmamakaawa ako na balikan mo ako. Ngayon tatanungin kita, mahal mo ba talaga ako? Pasensya na ah, mahal na mahal lang kasi kita. 'Di mo ba alam 'yon? Siguro nagbago ka na kaya hiniwalayan mo nalang ako basta basta. Siguro may iba ka nang mahal kaya nirereject mo nalang ako. Di mo ba alam kong pa'no ako naghirap? Di mo kasi alam kong pa'no ang buhay na parang ikamamatay mo na pag nawala ang taong pinakamamahal mo. Noon pakiramdam ko ang swerte swerte ko dahil minahal mo ako. Pero ngayon, ikaw pala ang tunay na ma-swerte dahil mahal kita. Pero ano ang ibinalik mo sa akin? Parusa at paghihirap. 'Wag kang mag-alala dahil simula ngayon, wala na ang Jerome na nagmamakaawa na balikan mo. Patay na ang Jerome na mahal na mahal ka at higit sa lahat, wala na ang Jerome na parating binabalikan ang dati.

-Jerome Ezekiel Saavedra

Bakit mo pa ba parating binabalikan ang nakalipas? Ang nakalipas na masaya pa kayo'ng magkasama? Mahirap bang intindihan na wala na siya sayo at iniwan ka na niya? Hindi pa ba sapat ako? Ako na naghihintay lang parati sayo. Ako na sandalan mo kapag malungkot ka ng dahil sa kanya. Ako na iniiyakan mo dahil iniwan ka niya. Sabi nga nila, "if someone treated you like an option, leave them like a choice". Pero ang masakit pa don, hindi kita maiwan iwan basta basta. Peo bakit siya pa rin? Nandito naman ako para ibigay kung ano ang binigay niya sayo ah? Kaya ko naman sigurong pantayan o higitan ang lahat ng ibinigay niya sa'yo ah? Ano bang meron sa kanya na hindi mo makita sa'kin?

-Anne Gabriella Perez

Pasensya na kung naipit ka pa sa problema ng pamilya namin. Pasensya na talaga kung nang dahil sa amin ay tinuring kang masama ng anak ko. At pasensya na kung ikaw ang nagsalo ng mga problema naming pamilya. Salamat sa lahat ng ginawa mo para sa amin. Nagpapatunay talaga na mahal na mahal mo ang anak namin. Ngayon, kami naman ang bibigay ng dapat ay sa'yo.

-Clarisse and Anton Saavedra

Naaawa na kami sa kalagayan mo. Kung matutulungan ka lang sana namin sa pagsubok na dumating sa buhay mo ay gagawin namin. Alam naming malalagpasan mo to dahil malakas ka. At sana, alam mo pa'rin kung sino ang mahalin at mamahalin pa ng puso mo. 'Wag kang magpadalos dalos sa disesyon anak, nandito lang kami palagi para gabayan ka.

-Marisa and Jayme Villarez

Ako ang taong tumulong sa kanya para bumangon ulit. Ako ang taong hindi naubusan ng advice para hindi ka lang sumuko. You're  my cousin. Cousin in crime rather. Kaya hindi ko hahayaang umiyak at damhin ang lahat ng sakit na mag isa.

-Stacey Ella Fernandez

Im Stacey's boyfriend. Jerome's elder brother. Minsan nadadamay na kami sa pagitan ni Ate Samantha at Kuya Jerome but we will make sure na hindi kami mabibiyak. Hindi katulad nila. No'ng una, sila ang motivation namin kung paano maging sweet at the same time mature sa isang relationship. 'Coz if you look at them, you will find a true chemistry and relationship. But still, boto pa rin ako kay Ate Samantha. Except sa mabait, maganda pa at mapagmahal. Bagay na bagay sila ng hyung ko.

-Mark Jayson Saavedra

I love you so much. Mahal na mahal. Pero bakit siya pa rin? Siya pa rin ang tumatatak palagi sa iyong puso't isipan? Nandito naman ako ah? Handang makinig at parating makikinig sa lahat ng mga problema mo. Palagi kang sasamahan at palaging aagapay sa'yo pero bakit siya pa rin? Mahirap ba akong mahalin? Mahirap bang kalimutan siya at ako naman ang bigyan mo ng pansin?

-AJ Anthony Marquez.



Author's Note: hope you like it ^__^

Past Love (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon