* P A S T L O V E - 1 *
First Anniversary
Samantha
Monthsary namin ngayon ni Jerome. Naalala niya kaya? Agad na akong lumabas sa main gate ng university dahil tapos na ang klase namin.
Kringg! Kringgg! (Telephone rings)
I immediately answered the call.
"Hello love?"
"Hi love! Good afternoon. Susunduin kita sa 7/11 sa school mo!" Sambit niya sa akin. Si Jerome ang tumatawag.
"Wala ka ba ngayong naalala love?" Tanong ko sa kanya sa kabilang linya habang nakangiti. Napapangiti talaga ako kahit sa boses niya lang.
"May event ba today love my love?" Tanong niya sa'kin. Hindi niya nanaman siguro naalala. :(
"Hindi mo naman naalala." I answered him in a tampo voice.
"Sige na love my love. Hintayin mo nalang ako diyan. Love you." Sambit niya and he ended the call. Love you lang daw. Walang I. Hmp hmp. Hinintay ko nalang siya sa 7/11.
After a few minutes, agad naman siyang dumating.
"Hi mahal ko!" He greeted me with a smile.
"Hello!" Sambit ko sa kanya na bakas pa ang konting pagtatampo.
"Huwag ka ng magtampo love. Ano ba ang event ngayon?" Tanong niya sa akin while nakangiti parin.
"Nevermind it. Ihatid mo nalang ako sa bahay." I answered him. Hmp tampo talaga ako sayo Jerome!
"Uwi ka na? Maya na. May ipapakita sana ako sayo sa bahay eh." Sagot niya and he smiled with matching dimple with his left cheek. Naku ang mga palusot mo naman Jerome ha!
"Sige, basta pagkatapos ihatid mo ko sa bahay ah? Marami pa kasi akong assignments na gagawin." I answered and he nodded. Wala na nga akong magawa kundi sumama na lang sa gwapong nilalang na to.
Agad na kaming sumakay sa kotse niya at tumungo sa bahay nila.
Pagdating namin sa bahay nila ay agad na kaming dumiretso sa kwarto niya. Si Jerome lang kasi and his brother na si Mark at mga kasambahay at bodyguards nila ang kasama nila sa bahay dahil ang mga parents nila ay may inaasikaso pang companya sa states.
Agad niya binuksan ang kwarto niya at lumantad sakin ang mga letter balloons na may nakasulat na "HAPPY 1ST ANNIVERSARY LOVE OF MY LIFE" may human size teddy bear din sa ilalim no'n at may mga nag sari-saring chocolates pa. May mga balloons din sa sahig at mga petals ng iba't ibang kulay ng roses.
"Happy first anniversary love of my life! Akala mo nalimutan ko na no? Pwes, nagkakamali ka." Sabi niya sakin at pinisil pa ang ilong ko. May binigay din siyang rose boquet sakin. Agad ko naman siyang niyakap dahil sa saya. Ang effort talaga ng mga suprises niya sa akin. Na-a-apreciate ko lahat.
"Thank you for this, Love..." Sagot ko sa kanya kasabay ng mga nangigilid kong luha. "And yes, akala ko nalimutan mo na pero may pa surprise ka pa kaya thank you so much!" Dagdag ko pa habang nakangiti ng abot tenga.
"What is your wish ngayong first anniversary na natin?" Tanong niya.
"Syempre hindi pa rin magbabago. Ang parati ko pa ring winiwish sayo. Na sana mapakilala mo na ako sa pamilya mo sa personal. Oo kilala na nila ako pero sa picture lang naman." Sagot ko sa kanya. Yes, kilala na ako ng pamilya niya pero hindi sa personal dahil in states pa ang mommy and daddy nina Jerome and lucky, by next month ay uuwi na ang mga ito dito sa Pilipinas.
BINABASA MO ANG
Past Love (ON GOING)
Teen FictionWhat if, babalik siya dahil mahal ka pa niya. Tatanggapin mo pa ba? What if, humihingi siya ng second chance, bibigyan mo ba? What if, may reason siya kung bakit niya ka iniwan. Paniniwalaan mo ba? What if, mahal mo pa siya pero may girlfriend ka na...