A LETTER TO OURSELVES..
Dear IKAW,
Sino nga ba ang may kasalanan?? AKO ba o IKAW??
AKO ba, kasi ako ang unang humalik sayo, unang nag-assume na merong tayo, unang nag-sabi ng "Mahal Kita.." at unang na-fall sa ating dalawa?? Unang gumawa ng effort para sa ating dalawa, unang bumati ng "Happy Monthsary" sa una nating buwan na magkasama at unang nag-bigay din ng regalo.. Kailangan ko bang kuwestiyunin ang sarili ko dahil ako ang laging unang nasasaktan, unang nagpapatawad, unang humihingi ng tawad sa kasalanan na alam ko namang hindi ko ginawa?? Dahil AKO ba ay martyr?? Dahil kahit ilang beses mo man akong paiyakin, handa pa rin akong maghintay sa pagdating mo.. Kaya ako ba ang may kasalanan kung bakit NASASAKTAN tayo, o baka AKO lang ang nasasaktan..
Pero baka naman kasi IKAW?? Ikaw na umayon sa sinabi nila, na marahil dahil tayong dalawa ay walang kanya-kanyan commitment, ay baka nga tayo ang magkatuluyan.. IKAW ba kasi tinugon mo ang halik ko, IKAW ba kasi minsan pinakita mong importante akong tao (na minsan ko lang naramdaman sa buong buhay ko).. IKAW ba kasi kahit sa konting bagay ay nagtatampo ka at nagagalit sa akin.. IKAW ba kasi kahit anong oras pwede mong sabihin na "Maghiwalay na tayo.." at ako naman ay natatakot kasi mahal kita.. IKAW ba kasi sa tuwing sinasabihan kita ng mahal kita, ang itutugon mo lang ay "Oo, Uhmmm, o isang tango"??? IKAW ba, kasi minsan kahit nakikita mo na akong umiiyak sa harapan mo, nagmamakaawa na huwag kang umalis, nagagalit ka pa rin at lalo mo lang akong sinasaktan.. IKAW ba kasi kahit anong gawin kong effort para mapasaya ka, minsan ang ending pa rin eh hindi mo napapansin, kahit pa IKAW ang unang-una kong iniisip, ng bawat kapakanan mo bago ko gawin ang isang bagay.. IKAW nga ba ang dahilan kung bakit tayo, o baka IKAW lang ang nasasaktan..
Sino nga ba ang dapat sisihin sa ating dalawa.. Marahil may kanya-kanya tayong kasalanan sa relasyon na ito, pero mas labis pa din akong nasasaktan, dahil hindi ko malaman kung paraan mo lamang iyan para ipahiwatig na mahal mo ako o ipahiwatig na hindi mo naman talaga ako mahal...
AKO ba o IKAW???
From AKO,
BINABASA MO ANG
A Letter To Ourselves..
PoetryAfter months of trying to find my muse finally I've found her.. And she's from my emotions kept from the deepest part of me.. It is not a story neither a poem, but a letter that explains a heart of someone loving one way.. Enjoy reading this piece...