#48

120 2 8
                                    

(Ex)

"Mahal ako"
Oo. Ang sabi mo'y mahal mo ako pero paano ako makakasiguradong ang mga salita mo'y totoo? Mahal mo ako pero bakit noong tayo pa'y niloko mo ako? Ika nga nila, pag mahal mo ang isang tao ay hindi mo magagawang saktan at lokohin ito. Pero bakit? Bakit wala akong maramdamang pagmamahal mo? Hanggang litrato na lamang ba ako? Na nagsisilbing alaala nating dalawa.. Mga pangakong nawasak ng dahil sa paghihiwalay nating dalawa. Ako'y lubhang nasaktan dahil ang mga salita mo'y inasahan ko. Pagkalipas ng mga araw, buwan, taon muli ka na namang nagbalik. Bakit kung kelan ako'y nakalimot na ay muli ka na namang magbabalik? But im sorry, my love for you was already gone.

Mga banat ni JCWhere stories live. Discover now