Chapter 1
"Ang gwapo talaga ni kayden!!"
"Makalaglag panty!!"
"Kayden!anakan mo lang ako ng isang dosenang anak iyong iyo na ako!!"
Yan ang mga naririnig kong sigawan ng mga kababaihan..tuwing dumadaan si kayden sa tabi nila may mga side comments sila..at nasa likod ko lang sya..sikat din naman si kayden dahil sa itsura nya..but i dont care
Patungo na ako ngayon sa classroom..may inaasikaso ang boyfriend ko ngayon kaya ako lang mag isa ang naglalakad ngayon..yung dalawa ko namang kaibigan ay hindi ko mahagilap
"Lysheen"tawag sa akin ni kayden pero tuloy tuloy lang ang lakad ko
"Hey" ulit nya pa kaya naman mas binilisan ko pa ang lakad ko para hindi nya ako maabutan..pero dahil malalaki ang hakbang nya magkasabay na kami ngayon
"May hinahabol ka bang meeting?ang bilis mong maglakad" sabi nya pero di ko yun pinansin..bahala sya dyan
"Bakit hindi mo ako pinapansin?"tanong nya..nakakairita sya..bakit ba sya dikit ng dikit sa akin?
"Dont talk to me"sabi ko sabay irap
"Meron ka ba ngayon?"gago ba sya?hindi naman porke't masungit ang babae meron na agad..paano kapag ang lalaki ang nagsusungit,ibig sabihin meron din sila?ano ba itong mga iniisip ko?
"Wala..at wala akong time para kausapin ka"sabi ko
"Wala kang time?pero kinausap mo ako ngayon lang"sabi nya sabay smirk kaya napatahimik na lang ako..sabagay may point sya dun..minsan naiisip ko na lang na ibitay sya sa puno ng kamatis
Nasa tapat na kami ngayon ng pintuan ng classroom..sa kasamaang palad ay magkaklase kami..hindi naman dapat kami magkaklase kaya lang ewan ko sa lalaking ito at bigla na lang nagpalipat ng section..
Pumasok na ako at dumiretso na sa aking upuan
"Magkasabay kayong pumasok?"biglaang pagsasalita ni sam..si alexa at ethan ang napahiwalay sa amin..nasa kabilang section sila
Pabalik balik ang tingin ni sam sa aming dalawa ng kuya nya at tiningnan nya si kayden ng isang makahulugang tingin.baka kung ano na naman ang iniisip ng isang to..binalewala ko na lang iyon
Napansin kong lumapit si kayden sa babaeng katabi ko at may ibinulong sya dito..mukha namang kinikilig ang babae habang bumubulong si kayden..ang landi nya..
Wala pa naman ang aming guro kaya naisipan ko munang maglaro muna sa cellphone ko..pero nakakaboring din kaya naman naisipan kong mag wattpad na lang
"Psst"sitsit sa akin ng kung sino pero hindi ko na iyon nilingon..busy ako
Sa katagalan ay may kumulbit na sa akin..pero patuloy pa rin ako sa pagbabasa..hanggang sa may kumulbit na naman sa akin kaya ibinaba ko ang cellphone ko at hinarap ang kung sino mang taong kanina pa umiistorbo sa akin
"Bakit b-"napatigil ako sa pagsasalita dahil nabungaran ko ang nakangiting mukha ni kayden..bakit sya ang katabi ko?nasan na yung babae?
Kunot noo ko syang tiningnan "Ano na naman ba?nakakaistorbo ka lang sa pagbabasa ko..at sa pagkakaalam ko hindi naman ikaw ang katabi ko sa upuan"
"Bakit kahit anong gawin kong pagpapapansin sayo hindi mo pa rin ako mapansin?nasan ang hustisya doon?"tinitigan nya ako sa mata..ang weird nya..at ang paraan ng pagtitig nya parang iba..ako na lang ang nag iwas ng tingin
"Huh?"nagtataka kong tanong
Hindi ko maintindihan ang sinabi nya..hindi ko gets ang ugali nya
"Wala..ang sabi ko bingi ka.."sabi nya sabay alis ng tingin sa akin
Sinapian ba si kayden ngayon?
Napabaling na ako sa unahan ng dumating na ang adviser namin
Nagdiscuss si ma'am sa amin at sinabi nyang magkakaroon kami ng presentation bukas..at bubunot kami ng magiging topic.
dalawahan ang ginawa ni ma'am at kami na lang daw ang bahalang mamili kung sino ang magiging partner namin sa reportingHanda na sana akong lumapit kay sam upang yayain syang maging partner nang bigla akong pigilan ni kayden
"Pwede bang tayo na lang lysheen?"tanong sa akin ni kayden
Huh?anong sinasabi nito?
Napansin nyang nagtaka ako sa tanong nya "ibig kong sabihin,pwede bang tayo na lang ang magpartner para sa presentation?"yun pala ang ibig nyang sabihin..
"Ayoko nga..Kapartner ko na si-"naputol ang sasabihin ko dahil sa biglaang pagsingit ni sam..hindi ko napansin na nakalapit na pala sya sa amin
"Pumayag ka na lysheen..Si kuya na lang ang partner mo..may partner na kasi ako..niyaya kasi ako ni xander..alam mo namang hindi ko yun matanggihan..crush ko yun eh"pinanliitan ko ng mata si sam dahil sa sinabi nya..pinagpalit nya ako sa crush nya..
Ayokong maging partner ang lalaking ito
"Meron na bang partner ang lahat?"tanong sa amin ni ma'am
"Wala pa pong partner si kuya at lysheen ma'am"sigaw ni sam kaya naman napatingin ako sa kanya
"Silang dalawa lang ba?"
"Opo" sabi ng iilan
"Kung ganon..kayong dalawa na lang ang magpartner sa presentation"sabi ni ma'am kaya naman napanganga ako..hindi ko ata kaya yun
Tiningnan ko nang masama si sam..kasalanan nya ito
"Anong problema kay kuya?bakit ayaw mo sa kanya?"tanong sa akin ni sam
"Baka wala kaming magawang presentation pag sya ang kasama ko"sabi ko sabay irap kay kayden
"Grabe ka naman sa akin lysheen..minamaliit mo ang isang kayden"mukhang batang sabi ni kayden
Mukhang wala na akong magagawa..
Nagsimula na ring bumunot ang mga kaklase ko ng kanilang topic..wala akong idea kung tungkol saan ang topic na iyon
Bumunot na rin ako at bumalik na sa aking pwesto
Unti unti kong binuksan ang papel na nakalukot
Anong klaseng topic ito?
Topic about love
Related ba talaga ito sa subject?siguro naman magagawa agad namin ito dahil may experience ako about sa love..pero hindi ko alam kung si kayden din ba..bahala na sya sa buhay nya

BINABASA MO ANG
Loving My Enemy
Teen FictionHindi naman mali ang magmahal..pero para kay lysheen,mali ang mahalin ang kaaway nya..mali ang magmahal sya ng iba habang may boyfriend sya..