Tiempo Prestado

303 6 3
                                    




Si Anika, isang fan ni Kaye Cal. Mayaman. Heredera. May-ari ng isang malaking hotel/resort and spa. Pero sa kabila non, nagtatrabaho din sya sa isang call center. Bakit? Dahil gusto nya. Dahil kaya nya. Lahat ng gusto nya, basta kaya, nakukuha nya. Pero sa kabila ng pagiging isang fan, hindi nya magawang pumunta sa mga gigs and events ni Kaye kahit kaya naman nya. Bakit? Dahil hindi nya kakayanin. Alam nya sa sarili nya na hindi kakayanin ng katawan nya oras na makita nya si Kaye sa personal. Baka mahimatay sya. Baka sobra syang maloka. Baka kung anong maging itsura nya. At nakakahiya yon.

She's only 26. Maganda. Sosyalin pero hindi sosyal. Simple kung pumorma pero halatang mayamanin. Tamang loose powder, konting pangkilay at lip balm lang ang gamit pangmake-up. Wala masyadong arte sa katawan. Tamang hikaw at kwintas na silver at G-shock na puti ang madalas na suot. Madalas naka-cap habang nakalugay lang ang mahaba at tuwid na buhok. Nakakaintimidate pa ring tingnan dahil din siguro alam naman ng lahat kung gaano sya kayaman. Kaya nga sa call center na pinagtatrabahuhan nya, walang magawang makapanligaw sa kanya.

Meron syang tatlong kaibigan na ka-team nya rin sa trabaho. Si Rose, Roxy at Abby. Sila madalas ang magkakasama kahit sa labas ng office. Yung tatlo mas maarte pang umasta kesa kay Anika. Sila yung tipong makikay. Mahilig sa kung anu-anong mga gamit, make-up, laging nakaporma at paiba-iba ng style ng damit na sinusuot. Pero sa kanila din nakakita ng tunay na kaibigan si Anika. Subok na, ika nga. Yung barkada nila yung tipong parang laging nag-aaway pag nag-uusap. Binubully ang isa't isa. Prangkahan lang, kumbaga. 'Beks' yan ang tawagan nila. Mga straight man sila, nasasakyan naman nila yung trip ni Anika sa pagiging fan nito sa isang lesbian. Ang hindi na nila minsan maintindihan, eh yung nakikita nila na para bang naiinlove na si Anika sa idol nito.

"Si Kaye Cal na naman yang pinakikinggan mo no?" bati ni Roxy sabay hampas na mahina sa cap na suot ni Anika. Tiningnan lang ni Anika ng masama si Roxy at inayos ang sumbrelo at ang headset sa tenga nya.

"Ano pa nga beks, wala naman yang ibang alam gawin kundi makinig sa Kaye Cal playlist nya, istalk si Kaye sa facebook at instagram, manood ng youtube videos ni Kaye. Ewan ko ba dyan. Patay na patay dun. Tibo na ata tong kaibigan natin, kaloka." sabat ni Abby.

"Kayo naman, hayaan nyo na! Yun lang ang nagpapasaya sa baklitang to oh. Tsaka, maganda naman talaga yung boses nung tao!" pagtatanggol ni Rose kay Anika.

"Andun na kami, pero yung wala na yang ibang bukambibig kundi si Kaye, eh iba na yun friend. Yung tipong pagdating sa office habang nagpu-pull up ng tools, ikukwento na napanaginipan nya si Kaye. O kaya, magkukwento na may concert sya, may gig, lalabas sa tv, pati guestings sa radyo alam." Si Roxy habang busy sa kakapindot ng cellphone.

"Eh okay na yon kesa naman sa pupuntahan nya lahat ng event ni Kaye. Yun! Yung ang malma!" sagot uli ni Rose habang busy naman sa pagre-retouch.

"Eh kase nga, hindi nya kaya! Feelingera kase yang kaibigan natin eh. Feeling nya naman, mapapansin sya ni Kaye sa karamihan ng tao." sabat naman ni Abby habang nagyoyosi.

"Tapos nyo na ba kong pag-awayan!! Tapos nang 15 minute break natin. Tara na!"











********
"Hoy Anika! Lunch na, tama na yan!" kulbit ni Abby sa nagko-call pamg si Anika. Tinaas ni Anika ang mouthpiece sabay bulong.

"Kita mong may call pa ko! Una na kayo, sunod na lang ako. Malapit na to."

"Hintayin na natin. Ayoko sa pantry kumain. Siguradong mga pangat na naman ang ulam dyan." reklamo ni Roxy.

"Saan mo gusto?" si Rose. Pinagkumpulan na nila si Anika sa likod nito habang hinihintay na matapos ito sa call.

"Parang gusto kong maglomi. Tara!" aya ni Roxy sa dalawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 19, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KAYE CAL StoriesWhere stories live. Discover now