Mali

3 0 0
                                    

Laro lang ba talaga toh?
Planado ba lahat ng toh?
Para lokohin at saktan ako?
Sana mali ang inaakala ko.

Sa araw-araw, Ikaw ang laging kausap
Ako'y parang nasa ulap
Todo ngiti, hampas at tadyak
Kilig, yan ang parating nararamdaman ng isang taong malapit ng mawasak

Mahal, patawad kung magulo ako
Pero sa mga araw na di mo ako pinapansin
Ay ang mga araw na ayaw kong hanapin
Mahal, Totoo ba lahat o tanga lang talaga ako?

Kapag iniisip ko yun
Nabibiyak ang ulo ko
Kakatanong kung mahal mo ba talaga ako
Dapat na bang iwan?
Ang pusong iyong kinalimutan?

Walang TitleWhere stories live. Discover now