Spoken Poetry

6 0 0
                                    

Pinaglaban kita, Natalo ako

Pinaglaban kita kasi un ang sinasabi ng puso ko
Pinaglaban kita kasi gusto ko pang manatali ka sa piling ko
Pinaglaban kita kasi gusto kitang makasama sa pag tanda
Pinaglaban kita kasi mahal kita
Pero natalo ako

Natalo ako sa pagmamahalan nating laro lng pala
Natalo ako sa pagmamahalan nating akala ko habang buhay
Natalo ako sa pagmamahalan natin na alam mong saksi ang mga butuin
Natalo ako sa pagmamahalang nakangiti tayo habang pinagmamasdan ang mga ulap
Na akala ko ay tatagal

Yun pala hindi .Hinding hindi mangyayari ung mga imahinasyon ko

Pero bat di mo ako pinaglaban ? Bakit iba ung pinaglaban mo? Bakit di ako?
Naalala mo ung imahinasyon kong sabi ko "GUSTO KO IKAW NA AT WALA NG IBA"
Mahal ung pangako natin dalawa ? Ung ikaw at ako? Eh ung hanggang sa pagtanda ? Ung kaya natin to? Tiis lng .Naalala mo?
Sa tingin ko dina matutupad dahil
Bumitaw ka ,bumitaw din ako
Nagsawa ka , nagsawa din ako
Napagod ka , kusa din akong napagod
Ang akin lng ay
Pinaglaban kita , Natalo ako

_____________________________________________
Pls like my new story guys
Thank you

Mamshie hr.na request mo huehue

Nagsimula ang lahat sa Pagmamahalan natin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon