Bakit ba malayo ka?
Na tuwing hinahanap ka,
Nakikita ko sarili kong mag-isa.
Matang may namumuong luha.Bakit ba malayo ka?
Puso kong nagsusumamo
Nais nito'y masilayan ka,
Marinig mga himig mo.Ako'y nasasaktan!
'Pagkat kasabay ng iyong pag-aalis
Ay siya ring iyong paglimot sa akin.
Ako tong tanga na nahulog ulit.Paglisan mo, Ika'y may kinang sa mata.
Umalis kang masaya,
Ika't tutungo sa mas malamig na klima.
Kasama mo doon ay iyong hinaharana.Bakit malayo ka?
Na kung sana'y nandito ka
Masasabi kong mahal kita.
Masasambit kong kailangan kita.Wala akong magagawa,
Ni pag amin sa iyo'y di ko magawa.
Balot ako ng takot,
Alam kong ika'y masayang lalayo.