we meet again

14 0 0
                                    

Ang ganda ganda ng umaga... ang sarap sa mata ng mga bagay na nakikita ko... parang i get to realize kung gaano kaganda ang buhay, until....

"sinabi nang umalis ka nga kasi sa upuan ko eh! anu bang di mo gets dun?!" inis na sigaw ko sa lalaking nakaupo sa armchair ko.

"are you talking to me?" tanong ng lalaking presko na nakaupo sa pwesto ko. nakakainis sobra akong nagngingit ngit...

"yes! i am talking to you. so would you please vacate my seat!" mataray na balik ko sa kanya...

"why do we always end up hating each other when we can start liking each other?" sabay kindat nya sa akin! nakakainis talaga tong lalaki na to ang lakas magpakilig! pero hmp, manigas ka, hinding hindi ako magpapahalata na kinikilig ako... may boyfriend na kaya ako, at mahal ko sya... mahal nga ba? bakit ba tong puso ko iba ang sinasabi....

......................................................................After class...

"After one million one hundred ninenty nine thousand years... joke lang! Haha sa wakas uwian na...and thank God its Friday! Walang assignment at walang group projects, this means more more time for me and my Boyfie! Yeah! Speaking of my Boyfie, let me text him nga..."

Me: Hi Babe, Wer u at? U free tomorrow? Let's watch movie... :)

Boyfie: Sorry, I can't. Have lots to do. Kaw na lang mag isa.

Me: Ok.. I understand. Just text me if you need anything.

Boyfie: k

"Ok... so yun na yun? Ang tipid ng reply. Hindi na siya katulad ng dati.." ang lungkot nga naman talagang isipin na biglang may magbabago sa relationship ninyo ng jowa mo gayong ang buong akala mo eh you are perfect for each other, yun pala hindi mo napapansin dahan dahan nang nawawala ang feelings mo sa kanya at nadidivert na ang attention at ang emotions mo sa iba... ano nga bang gagawin mo kung na fa-fall out of love ka na nga sa boyfriend mo?

......................................................................................................

Sam's POV

"Sam, pwede ba kitang abutin?" ano kayang nasa isip nitong si Joshua? Tinatanong niya ko ng ganito alam naman niyang badtrip nga ako eh.

"Bakit? Siguraduhin mo lang na matino ang isasagot mo! Alam mo naman na mainit na ang ulo ko diba?!" na angilan ko tuloy siya.

"Pangarap kasi kita eh...." pabulong na sagot ni Joshua, seat mate ko na wala nang alam gawin kundi ang pagtripan ako.

"Tigil tigilan mo ang pagpapapractice mo ng mga pick up lines mo sa akin huh! Wag ako!" dahil sa ginawa niya lalo akong nalungkot hanggang sa napaiyak na nga ako dahil sa bigat ng kalooban ko. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Ang luwag luwag ko na nga sa Boyfriend ko tapos ganito pa, feeling ko I am being left behind.

"Siya ba ang dahilan ng mga luhang yan?" pabulong na tanong sa akin ni Joshua habang itinuturo niya ang dalawang nilalang na naglalakad sa may hallway. Aba at ang magaling kong boyfie, may pa selfie selfie pa kasama ang makating buddy niya sa Math. Lalo tuloy akong naiyak dahil bentang benta sa akin ang excuses niya nung nag text ako sa kanya.

......................................................................................................

Joshua's POV

"Sana nakilala kita bago ka pa naging sa kanya." pabulong na sabi ko habang nakatingin ako sa babaeng pinakaka tatangi ko. Mahal na mahal ko siya, hindi ko alam kung pano nangyari. Basta ang alam ko lang, mahal ko siya. Nagising na lang ako isang umaga, mahal ko na siya.

"Josh, bakit ganito? I thought what we have is special. Ang sakit lang na ma reject, I invited him to watch a movie, then he told me he can't be with me kasi he has lots to do. Pero masakit makita na ang lots to do pala niya eh mag selfie kasama ang babaeng yun. Nasasaktan ako." humihikbing tanong sa akin ni Sam

"Sam, sometimes yung mga bagay na akala natin okay lang, hindi pala. Minsan akala natin masaya pa tayo, yun pala nag pepretend na lang tayo na masaya kahit in reality durog na durog ka na... calm down. Wag ka nang umiyak, sige ka baka isipin pa nila eh pinaluluha kita....

One Sweet DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon