Ojos

75 3 0
                                    

(Me nabasa akong pocketbook dati na manipis lang. Siguro hayskul pa ako nun. Pinilit kong alalahanin ang istorya. At nilapatan ko ng sarili kong elemento, kaya nabuo ang kwentong ito. Ang kwento na ito ay dedicated sa isang kaibigang guro na nakagawa ng tamang desisyon (para sa aking pananaw).

Pabakasyon sa probinsya ang mga grupo ng mga kabataan, pagdating nila sa airport, nalamannila na made-delay ang kanilang flight ng ilang oras, kung kaya naman parang mga nilamukos na papel ang kanilang mga mukha. Sa ganoong hitsura sila naabutan ng isang madre na papunta rin sa probinsya.

"O mga anak, mukhang pinagsakluban ng langit at lupa ang mga hitsura ninyo ah,mukhang nadelay ang flight niyo." Panimula nito.

"Ganun na nga po sister, medyo nagmamadali pa naman kami." Sagot ng isa.

"Ay huwag kayong magmadali, malamig naman dito sa terminal 3 ah, magpahinga na muna kayo sa tabi."

"Sige po, ay sister sumama na po kayo sa amin para naman may maka-kwentuhan kami rito." Anyaya ng isa sa mga mag-babarkada.

Nagka-kwentuhan nga ang magkakabarkada at ang butihing madre, nang medyo nagkakapalagayan na ng loob, may mga nangahas na nagtanong sa madre tungkol sa pagmamahal.

"Sister, ano po ba ang ibig sabihin ng true love?" Bungad ng nag-iisang lalake sa grupo.

"Oo nga sister, alam nyo naman po sa panahong ito parang hindi na uso yun eh." Dugtong ng isa.

"Hahaha, kayo talagang mga bata kayo, well, sige bago ko sagutin iyan me ikukwento ako sa inyong isang love story. Tapos kayo na ang bahalang sumagot sa inyong tanong."

"Sige po sister, mukhang matatatagalan pa ata kami." Tila mga bata na nagsiksikan ang mga magbabarkada palibot sa madre.

"Bweno..."

Bata pa lang si Marlyn, makikita na sa kanya ang pagka-spoiled brat niya, hindi naman nakakapagtaka dahil medyo maykaya ang kanilang pamilya, ang Pamilyang Salazar sa kanilang probinsya. Sunod sa luho, lahat ng bagay na hingin nakukuha, kung kaya naman lumaking maldita at mapagmataas.

“Yaya, yung damit ko na isusuot ko, plantsahin mo na.”

“Yaya, hindi tama ang timpla ng juice ko.”

“Hoy, Willy lumayo ka sa lugar namin, ang baho mo.”

“Mommy, sabihin mo sa hardinero natin, paalisin yung pulubi, naaamoy ko siya hanggang dito.”

Ilan lang iyan sa mga bukambibig ng batang si Marlyn, kung kaya naman dinala niya ang masamang ugaling ito hanggang sa magdalaga.

“Hahaha, ano ka ba Marlyn, pagkatapos mong sagutin si Brylle, iniwan mo rin pala, ang daming nagka-crush dun ah.” Anang isa sa mga sosyalera niyang kaibigan.

“Well, I just want to prove to all of you that I can easily get and reject all the things at hand.” Nagmamalaki na sagot niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OjosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon