Threats

494 16 8
                                    

Saenji Corporation. The same day at 7pm.

Lea's POV

"Holy shit, I'm fucking tired." I uttered.

Tumayo ako para magtimpla ng tea, after kong magtimpla ay umupo ako sa couch. Pagka-upo ko palang ay nahagip na ng mata ko 'yung picture frame sa center table. Naglalaman yun ng picture ko, sa pagkakaalala ko, kuha ito ni Wolff noong nag dinner date kami.

Speaking of Wolff, hindi ko pa sya ulit nakikita. Huli ko syang nakita sa parking lot at kausap nya yung matandang pulubi na laging nasa labas ng building and that was 3 days ago.

So, I dialled Everest's number para humingi ng update tungkol kay Wolff.

Minutes after ay bumukas ang pinto revealing Everest. I told her to sit down na agad nya namang sinunod.

"Is there something I need to know about Wolff?" tanong ko.

Tumango sya. "Dapat po ay matagal nyo na 'tong nalaman, but it seems like ngayon lang po tayo nagkaroon ng pagkakataon na pag-usapan ang tungkol kay Wolff. " she paused for a while. "Tulad po ng nasabi ko noon, may mga suspicious act si Wolff na na-oobserbahan namin. Like, a week ago, nakita sya ni Monteverde na may hinahanap dito sa loob ng office mo. We assumed that he's looking for the blueprint which is napatunayan ko din agad nang makabungguan ko sya sa hallway and that was 2 days ago."

Kumunot ang noo ko dahil sa narinig. So, ibig sabihin hindi lang si Kris ang pumasok sa office ko nang walang paalam? Possible kaya na ang blueprint din ang hinahanap ni Kris?

"Palagi din po syang wala sa base, hindi namin alam kung saan sya pumupunta, pero lagi namin syang nakikita na kausap yung matandang pulubi sa labas ng Saenji." dagdag nya

"Thank you, pwede ka nang bumalik sa base." saad ko.

Nadagdagan muli ang tanong sa isip ko na hindi ko mahanapan ng sagot.

Is it possible that there is something inside of this building na gusto nilang makuha?

Alam kong konektado ang lahat, kailangan ko lang mahanap ang puno't dulo, mula sa pag-alis ni Kris, pag-patay kay Dawn, pag pasok ni Wolff sa Saenji, ang anghel na figurine at 'yung matandang pulubi, at ang pagbabalik ni Kris bilang apo ni Vladimir.

Napahawak ako saaking dibdib nang makaramdam ako ng kirot. Damn.

"Lei, basta once na sumakit ulit ang dibdib mo, just call. Pwede mo akong i-meet kahit anong oras."

Naalala ko yung sinabi saakin ng personal doctor ko, so I dialled his phone number. Within three rings ay sinagot na nya.

"Can I meet you tonight? ...Are you sure? Okay, hihintayin kita dito sa office ko. Thanks, drive safely."

--

Aga's POV

"Bro, tama na yan, *hik* lasing na tayo pareho." sabi ko kay Chard na hanggang ngayon ay umiiyak parin.

Hindi parin ako makapaniwala na wala na si Dawn, hindi ko manlang nabalitaan ang tungkol doon. Nawalan na rin kasi ako ng connection sa kanila mula noong naaksidente si Lea.

"Gago ka kasi pare, pinaalala mo pa sakin. Tangina. Sobrang sakit." usal nya.

Napailing nalang ako.

"Alam mo ba, walang kapatawaran ang ginawa nila sa  asawa ko. It's cruel, na hindi kami pinayagang masilayan sya kahit sa huling pagkakataon."

Dangerous WomanWhere stories live. Discover now