-Prologo-

18 0 0
                                    

The sad rain falls from Heaven,
A sad bird pipes and sings ;
I am sitting here at my window
And watching the spires of "King's."

"Igo!Saan ka pupunta?Luluwas ba kayo ng Maynila?Ngayon na?Kailan ang balik ninyo?!" sunod sunod ang naging tanong ng inosenteng babae na nasa harapan ko.

Hindi ko magawang magsalita, tila may nakatali dito at ayaw nitong bumuka. Takot, takot na baka kapag bumuka ang bibig ko ay pagsisihan ko lamang. Iniiwasan ko na mangyari ito, kinakatakot ko ang pangyayaring ito.

"Igo?Ayos ka lang?Bakit parang malungkot ka?Hindi na ba kayo babalik?"

Kasabay ng paglingon ko ay ang pagkalaglag ng butil ng mga luha sa kanyang mga mata. Nasasaktan ako habang pinagmamasdan  ang mala-anghel niyang mukha dulot ng kamusmusan. Nadudungisan ang munti niyang paa dulot ng putik.

O fairest of all fair places,
Sweetest of all sweet towns!
With the birds, and the greyness and greenness,
And the men in caps and gowns.

Dahan-dahan akong humakbang papalapit sa kinatatayuan niya. Ayokong umalis, ayokong iwan ang batang maputik ang paa,madungis at punit-punit ang damit.

"Riri..." Aalis ako. Sa Espanya na kami maninirahan. "Magbabakasyon kami sa Maynila." Hindi ko alam kung kailan ako babalik. "Babalik agad ako"

Hindi siya sumagot. Tinitigan niya lang ako. Patuloy sa pag-agos ang luha. Tinitigan ko lang din siya gaya ng pagtitig na ginawa niya. Ngunit nanghihina ako sa titig na iyon, tila hinihigop ang lakas na meron ako. Una siyang nag-iwas ng tingin at sa pag-iwas niyang iyon nasaktan ako.

All they that dwell within thee,
To leave are ever loth,
For one man gets friends, and another
Gets honour, and one gets both.

Ang mga titig na kanina lang ay sa akin pinagkaloob ay sa lupa na niya pinukol. Patuloy sa paghagulhol, hagulhol na may halong sakit at panaghoy.

Humakbang ako ng isang hakbang ganoon din ang ginawa niya ngunit hindi paabante ngunit paatras. Sa bawat paglapit na ginagawa ko ay katumbas ng pag-atras niya.

Huminto ako at huminto din siya.

"Riri?Babalik ako..." pukaw ko sa kanya. Tinitigan niya ako patuloy sa pag-agos ang masaganang luha.

"Hindi ka na babalik Igo." napapitlag ako sa sinabi niya. "Iba na ang kislap ng mga mata mo Igo...sa tuwing magtutungo ka ng Maynila ay may lungkot sa mga mata mo, ngunit panandalian lamang iyon, ang malungkot mong mata ay napapalitan ng pananabik..." sabi niya sa gitna ng paghikbi.

"Ngunit ngayon iba na Igo!Hindi lungkot ang nasa mga mata mo!Takot!Natatakot kang sabihin sa akin ang pag-alis mo, natatakot ka rin na malaman kong hindi ka na babalik!" kasabay ng bawat paglaglag ng butil ng luha mula sa kanyang mga mata ay katumbas ng pagkirot ng puso ko na tila ba isang karayom na tumutusok dito. "Aalis ka iiwanan mo ako..."

Matapos niyang sabihin ang huling pangungusap ay parehong naglaglagan ang luha sa mga mata namin. Nakatitig lang kami sa isat-isa habang umiiyak, nasasaktan, nalulumbay.

Ayokong iwan ka. "Wala akong magawa..." Sino ba ako?Isang labing-walong taong gulang?Paano ko susuwayin ang magulang ko?. Paano ko ipapaliwanag sa kanila na ayokong umalis?.

"Nangako ka sa akin Igo!" Hindi ko na kaya ang hirap niya sa pagsalita dahil sa paghikbo. Sa bawat pagsasalita niya ay hindi niya nakakalimutang banggitin ang pangalan ko. Isang bagay na hindi ko kayang kalimutan. "P-papakasalan mo a-ako... " sabay pakita niya sa singsing na kahoy na ginawa ko at regalo ko sa kanyang noong ika-walong taong gulang niya.

Buried Memories of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon