Chapter 1:Meet Kara

51 1 1
                                    

May pagkahawig po ang unang part sa He's almost perfect kasi wala lang xD

Third person's POV

Sa isang Mansion kung saan nagtipon and dalawang pamilya para sa isang handaan, Ang Lee at ang Cruz. And dalawang pamilya na ito ay sadyang mayaman at isa sa mga maimpluwensya at makapangyarihan kung kaya't napaka swerte ng mga anak nila.

"Friend, naku mukhang ito na ang huli nating pagkikita, siguromga ilang years pa bago tayo magkita muli" sabi ni Mrs. cruz

"ano ba yan, talaga bang doon na kayo titra sa LA?" pagtatanong naman ni Mrs. Lee, may halo itong lungkot sapagkat magkaibigan sila simula noong mga dalaga pa sila at ngayon pa lamang sila maghihiwalay ng matagal

"eh kasi nga, meron kaming branch doon, at ito namang asawa ko pinapapunta ng papa niya para maasikaso ang kumpanya alam mo naman matanda na iyon." pagpapaliwanag naman ni Mrs. Cruz

Ang kanilang mga asawa ay may sarili ding pinaguusapan kaya't pinabayaan nalang nila ito

nagulat naman si Kara dahil walang sinasabi si Skyler sa kanya tungkol sa ganoong bagay, tiningnan niya ang batang lalaki ngunit ito'y yumuko lang 

"nakakalungkot naman...." sabi ni Mrs. Lee

"hayaan mo magkikita pa naman tayo ulit hindi naman talaga kami doon titira habang buhay" pinipilit niyang maging masaya ang kanayang kaibigan

"Mommy, tapos na po akong kumain pwede na po ba akong matulog?"malungkot na sabi ni Kara

"matutulog ka na agad? hindi ka ba muna magpapaalam sa kaibigan mo?aalis na siya bukas" sabi naman ng kanyang mommy na si Mrs. Lee

Sadyang mapaglaro ang tadhana para sa ating mga bida... kahit sila'y mga bata palang halata mong may gusto sila sa isa't isa

hindi sumagot si Kara, dahil mas nawalan na ito ng gana, siya'y nagtatampo sa batang lalaki

"hayaan mo na, baka napagod na siya"sabi naman ni Mrs. Cruz ang nanay ni Skyler

umakyat na ng itaas si Kara at pumasok na sa kwarto, siya'y malungkot dahil aalis na ang nag-iisa niyang kaibigan nasabi ko bang hindi siya pala kaibigan dahil siya'y mailap sa mga tao at isa lang ang naging kaibigan niya at iyo ay si Skyler

*tok*tok*tok*

hindi sumagot si Kara, nagtulog-tulugan siya upang hindi siya maistorbo

*creeeeeek*

"Kara..." tawag ni Skyler nagtulug tulugan parin siya, 

"Kara...." tawag ulit ni Skyler sabay alog kay Kara

KARA'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon