CHAPTER ONE:

15 0 0
                                    

Pulling The Wrong String
C1: World War III

ALI's POV

"Ms. Tucci!"

Walang anumang napahangad ako ng mabilis nang magising ako sa malakas na boses ni Ms. Gumambao. Hindi ko rin kasi namalayan na... NAKATULOG pala ako.

Tumayo agad ako na tila'y aktibo at hindi inaantok, "Y-yes, ma'am?"

"Are you sleeping in my class?" pasinghal niyang tanong habang nakapamewang ito at nanlilisik ang mga mata habang nakatingin sa akin.

"N-no, ma'am." sagot ko habang nakayuko na agad namang ikinakunot ng noo ni Ms. Gumambao. Lahat ng atensyon ng mga kaklase ko ay nasa akin na. Kumbaga, ako ang CENTER OF ATTENTION.

"Hmm, really? Let me see." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa habang pinapalo palo niya ang stick niya sa palad niya. Napalunok ako bigla. "Define chlorophyll."

"It is the green substance in plants that makes it p-possible for them to make food from carbon dioxide and water." sagot ko with full confidence. Hehe. You know, kahit ganto ako, nagbabasa rin naman ako 'no.

"Then, the parts of a chloroplast." dagdag ni ma'am na inakala ko ligtas na ako pero naalala ko na si Ms. Gumambao pala ang lecturer ko ngayon na nahuli pa akong natutulog. Ibang klase. Siya kasi yung tipong hindi kuntento sa isang tanong at sa isang sagot.

"P-po, ma'am?" pag uulit ko. Nawala ako sa sarili. Hindi ko rin kasi gamay masyado ang science pero may mga alam din ako.

"I said, the parts of a chloroplast!" Singhal ni ma'am na nagdulot ng mas lalong pagkakaba ko.

"T-the parts of a chloroplast include the outer and inner membranes, intermembrane space, stroma and thylakoids stacked in grana. The ch-chlorophyll is built into the membranes of the thylakoids. Chlorophyll absorbs white light but it look green because white light consists of three primary colors including red, blue and g-green."

Hindi na ako nagtaka sa mga naging reaksiyon ng mga kaklase ko pati na rin ng lecturer ko. Halos lahat kasi ng recitation sa klase namin ay nakakasagot ako at hindi lang 'yan, halos lahat ay nasa libro.

'Uso rin kasi magbasa pag may time.'

"I only asked you about the parts of it but you still answering me with the whole detail. Very good. Ok, you may now sit." nabunutan ako ng tinik sa wakas nang makaupo na ako sa upuan ko. Expect ko na rin na wala ng sunod na itatanong ni ma'am kasi hinabaan ko na sagot ko na alam ko rin naman na tutugma sa isusunod na tanong ni Ms. Gumambao.

Palihim akong humikab at inunat ang paa para hindi muli ako mahuli ni Ms. Gumambao. Napuyat kasi ako kagabi dahil na rin sa nag overtime ako sa Coffree Time.

Ang Coffree Time ay isang coffee shop malapit sa inuupahan kong boarding house. Dagdag na rin kasi sa financial ko yung suweldo ko sa CT. Kulang kasi ang padala ni mama sa akin buwan buwan plus yung mga utang ko pa.

24 hours open ang CT at sumakto na maraming customer kahapon kasi linggo kaya tumulong na rin ako at nag overtime. Yung minimum na oras ng trabaho ko na 3 hours lang kasi estudyante ako ay naging 6 hours.

Kaibigan ko rin ang may ari ng shop kaya kahit 15 pa lang ako, napapayag ko silang magtrabaho muna ako dahil kailangan ko talaga pang bayad ng tuition fees ko.

DISCUSSION.

DISCUSSION.

DISCUSSION.

PULLING THE WRONG STRING [UNDER CONSTRUCTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon